Leading lady ni Dingdong ayaw pang ibunyag

July 12, 2019

NAKAPAG-STORY conference na ang GMA last July 9 para sa kanilang bagong sisimulang teleserye, ang “Descendants of the Sun” na adaptation ng 2016 hit Korean TV series which aired for two months, February 14 to April 14, 2016 sa KBS2 ng South Korea.  Ang original series ay tinampukan nina Song Jong-ki, Song Hye-kyo, Jin Goo at King Ji-won at magkatulong na dinirek nina Le Eung-bok at Baek Sang-hoon.

Si Dingdong Dantes ang lead actor sa local adaptation who will play the role of Capt. Lucas or Big Boss habang ayaw pa i-reveal ng GMA kung sino ang kanyang makakapareha who will play the role ng lady doctor alyas Beauty.  Unang lumutang ang pangalan ni Jennylyn Mercado na never pang nakatrabaho ni Dingdong sa isang TV series although magkasama sila ngayon bilang hosts sa 7th season ng talent reality search, ang Starstruck.  Lumulutang din ang pangalan ng misis ni Dingdong na si Mariane Rivera pero ayaw pa itong kumpirmahan ng Kapuso Network.  Pero ang ibang bumubuo ng cast include Rocco Nacino, Jasmine Curtis-Smith, Paul Salas, ang bagong Kapuso actor na si Jon Lucas, Roi Vinzon, Antonio Aquitana, Lucho Ayala at iba pa.

Ito’y nakatakdang ipalabas on primetime sa susunod na buwan.