Leandrea lalaban sa Miss Teen Universal

November 25, 2018
Leandrea Batingan

AALIS ng bansa bukas (Nov. 27) ang 18-year-old beauty queen na si Leandrea Batingan para lumaban sa Miss Teen Universal na gaganapin sa Bali, Indonesia.

First time ni  Lean to compete in an international pageant pero confident siya na kakayanin niyang makipagsabayan sa ibang candidates dahil sa mga past experience niya bilang contestant ng iba’t ibang beauty pageant.

“Naghahanda po talaga ako kasi first international pageant ko ito. Pati question and answer pinaghahandaan ko. Nagre-research din ako at nagbabasa para updated ako sa mga nangyayari,” pahayag ni Lean.

Proud din si Lean na sabihing walang kahit anong niretoke sa kanyang katawan.

“Lahat po ito ay genuine. Takot ako sa retoke kasi nakikita ko yung epekto sa katawan ng mga nakakasama ko sa pageant na nagparetoke. Maraming bawal sa kanila. Bawal silang dumapa, bawal silang mag-swimming nang matagal, basta madami pong bawal gawin.

“Ako po, I’m confident to say na lahat kaya kong gawin kasi wala akong kailangang ingatan. Hindi ako natatakot na masagi ang ilong ko o magbabad sa swimming pool, ha-ha-ha,” pahayag pa niya.

After three years ay balak ding sumali ni Lean sa Binibining Pilipinas o kaya’y sa Miss World Philippines. Tapos na kasi siyang sumali sa Miss Earth, yon nga lang, hindi siya pinalad na manalo.

“Hindi po ako nadi-disappoint if ever man na hindi ako ang nagta-title. Naniniwala po ako na lahat ng nangyayari sa buhay natin ay may purpose,” katwiran pa ng dalaga.

Sa interbyu kay Lean sa send-off presscon na ipinatawag ng kanyang management team na 3:16 Events &  Talent Management ay napansin ng press kung gaano siya kahusay sumagot. In person, marami siyang beauty queen na kahawig like Michelle Aldana na naging Miss Asia Pacific title holder at si Karen Ibasco na Miss Earth 2017 winner.