Lian ibinulgar si Paolo

November 29, 2018

Ano kaya ang magiging reaction ng Kapuso actor na si Paolo Contis sa pag-amin ng kanyang ex-wife na si Lian Paz (dating miyembro ng EB Babes Dancers ng “Eat Bulaga”) na hindi umano nito (Paolo) sinusuportahan ang dalawa nilang anak na sina Xonia at Xalene na parehong nasa grade school na ngayon in Cebu magmula nang sila’y magkahiwalay nung 2012?

Sina Paolo at Lian ay pareho nang may respective new partners ngayon. Si Paolo ay karelasyon ngayon ang Kapuso actress na si LJ Reyes na buntis ngayon sa magiging unang supling nila ng actor and they’re expecting a baby girl.  May anak na ring isang babae si Lian sa partner nito ngayong si John Cabahug.  Kasama ni Lian ang dalawa niyang anak kay Paolo na sina Xonia at Xalene na nakatira sa Cebu kasama si John at baby nilang anak na si Nina.

Ayon kay Lian, si John ang kanyang katuwang sa pagpapalaki at pagpapa-aral sa mga anak nila ni Paolo

Ang dalawang anak ng ex-couple na na sina Lian at Paolo ay parehong consistent honor students in school.  Nag-aaral ang dalawang bata sa school in Cebu kung saan schoolmates dati sina Lian at John.

Samantala, close si Paolo sa anak ni LJ sa Kapamilya actor na si Paolo Avelino na si Aki.

Nasa korte pa ang annulment case ng kasal nina Paolo at Lian kaya hindi pa sila parehong malaya na pakasalan ang kanilang respective partners ngayon.