Life-changing

March 18, 2019
Kris Aquino

Komento ni Kris, ikinatuwa ng fans ni Maine.

LIFE-changing para kay Kris Aquino ang biyahe niya sa Holy Land nu’ng 2013.

Sa komento niya  sa pinost na litrato ni Maine Mendoza sa Instagram na kuha ni Ryan Agoncillo, ikinuwento ni Kris kung paano binago ng pilgrimage ang prayer life niya.

“Went in 2013 -- not a good period n my life BUT that trip was life-changing in the sense that my prayer life became enriched, the Bible was no longer just reading material, and I hope you get to go to the 2nd joyful mystery -- when Mama Mary visits Elizabeth.

“That climb was surreal. And the chapel where the Wedding of Cana occurred, Jesus 1st miracle. In 1 day we followed His steps throughout all the Sorrowful Mysteries & it made  what we have to go through so ‘nothing’ in comparison. God bless your piligrimage,” komento ni Kris.

Natuwa naman ang ilang fans ni Maine sa gesture ni Kris dahil love rin daw pala niya si Meng. 

May pahayag kasi dati si Kris na gusto niyang makasama sa movie si Alden (Richards).

Ang isa pang nagbigay ng komento sa pic ni Meng ay si Gary Valenciano.

“I hope your trip to the Holy Land is a fruitful one Maine!”