Lihis na sagot sa Q&A, panalo

June 10, 2019
Gazini Ganados & Catriona Gray

SI Gazini Ganados, 23-year-old na taga-Talisay City, Cebu, ang nanalong Miss Universe Philippines noong Linggo nang gabi, June 9 (bagama't sa TV ay inabot ito ng 1 a.m., June 10) sa coronation night na ginanap sa Smart Araneta Coliseum in Cubao, Quezon City.

Bukod kay Gazini, lima pang beauty queens ang pinangalanan: Bb. Pilipinas International 2019 Bea Patricia Magtanong, Bb. Pilipinas Supranational 2019 Resham Ramirez Saeed, Bb. Pilipinas Intercontinental 2019 Emma Mary Tiglao, Bb. Pilipinas Grand International 2019 Samantha Lo, at Bb. Pilipinas Globe 2019 Leren Mae Bautista.

Hindi nakasama sa mga nanalong beauty queen ang inaasahan ng marami, si Vicki Rushton (girlfriend ng aktor na si Jason Abalos) na halatang kinabahan sa question and answer portion. Gayunman, nanalo siya ng ilang special awards. Kung susundan niya ang dinaanan ng mga tulad nina Pia Wurtzbach (Miss Universe 2015) at Catriona Gray (Miss Universe 2018) na ilang beses natalo pero hindi sumuko, malamang na sumali ulit si Vicki sa mga susunod na taon.  

Samantala, narito ang sinasabing nagpanalong tanong kay Gazini:

If you win the crown tonight, what can you do to get more women in the workplace?

Ang kanyang sagot: "If I win the crown tonight, what I will do is to promote my advocacy. My advocacy is for us women to fight for our rights and for the LGBT community. And for us to be able to know that someone is loving us, and someone is pushing us to whatever ambitions that we have. We will be able to rise from our decisions, to whatever dreams that we have, goals that we have, and we will achieve it because of those values, those wisdoms that they gave us. Thank you."

Para sa amin, medyo hindi specific ang sagot sa tanong, pero dahil nanalo na siya, who are we to confront that?

Heto ang mas malapit na sagot sa tanong at para sa amin ay winning Q&A:

Tanong kay Bb. Pilipinas International 2019 Bea Patricia Magtanong:  If you have the opportunity to meet somebody globally influential, who would that be and why?

Ang sagot: "I really idolize Angelina Jolie because she was blessed with such a thriving career in Hollywood, but then, as a woman, she was able to use that influence, that voice, and that audience to advocate for the causes that she believes in, like world hunger with the UN. And someday, if I am given the chance, I would like to be just like her. Thank you."

Thank you, too.