Liza hibang sa Korean pop stars

November 03, 2019
Liza Soberano

MARAMING Filipino fans ng mga K-Pop groups and personalities ang willing gumastos nang malaki makita lamang ang kanilang mga ini-idolo.  Bukod sa Megastar na si Sharon Cuneta, ang actress-TV host na si Anne Curtis at marami pang iba, hindi rin lingid sa marami na isa ring K-Pop fangirl ang ka-loveteam at kasintahan ni Enrique Gil na si Liza Soberano.

Bukod sa libu-libong  Korean fans sa Seoul, Korea, maraming Filipino fans ang dumayo ng Seoul para lamang mapanood ang sikat na K-Pop group, ang BTS na ginanap sa Seoul Olympic Stadium ng Seoul, Korea nung nakaraang October 27 billed as “BTS World Tour – Love Yourself” at isa sa kanila si Liza.  

Ayon mismo kay Liza, tiniis niya ang gutom, lamig at  mahabang oras sa pila para lamang mapanood at matunghayan ang kanyang mga ini-idolo.  At habang naghihintay na makapasok sa loob ng stadium, doon lamang na-realize at na-appreciate nang husto  ng Kapamilya star ang nararanasan ng kanyang fans para lamang mapalapit sa kanya.

Tulad ni Erwan Heussaff sa kanyang misis na si Anne Curtis, suportado rin ni Enrique ang pagkahibang ni Liza sa BTS at sa iba pang K-Pop celebrities.

Samantala, may bagong teleseryeng aabangan ang mga fans nina Liza at Enrique, ang “Make It with You” na pinamamahalaan ni Cathy Garcia-Molina na ang ibang eksena ay kinunan pa sa Croatia.  Ito ang kanilang follow-up TV series sa kanilang”Bagani” nung isang taon.