Liza makalipad pa kaya bilang ‘Darna’?

January 06, 2019
Liza Soberano

KASALUKUYANG ginagawa ng Black Sheep Productions ang kanilang ikatlong proyekto, ang still untitled movie kung saan tampok na mga bituin ang hot loveteam at magkasintahang Liza Soberano at Enrique Gil.

The young couple plays college students na may magkaibang pangarap.  Ito’y mula sa pamamahala ng `hugot director’ na si Antoinette Jadaone.

Dahil sa bagong movie na ginagawa nina Liza at Enrique, nangangahulugan lamang na magpu-push back na naman ang filming ng “Darna” na pamamahalaan ni Jerrold Tarog under Star Cinema.

Si Jerrold ang nagdirek ng mga hit period movies na “Heneral Luna” na pinagbidahan ni John Arcilla at “Goyo: Ang Batang Heneral” na pinangunahan naman ni Paulo Avelino.

Ang “Darna” movie remake ay nung 2014 pa plinano with Angel Locsin playing the title role at si Erik Matti naman ang director.  Pero dahil sa pagkakaroon ni Angel ng back ailment, umatras ito sa nasabing project  at ito’y napunta kay Liza Soberano.  But in the middle of preparations ay nag-back out ang director nitong si Erik Matti kaya siya’y pinalitan ni Jerrold Tarog.  Pero hanggang ngayon ay hindi pa rin nakaka-take off ang production ng bagong “Darna” movie na pagbibidahan ni Liza.