Liza number one sa 100 beautiful women in the world

September 26, 2019
Liza Soberano

HINDI talaga matatawaran ang napakagandang mukha ng Fil-American actress and celebrity endorser na si Liza Soberano dahil ito ang muling nag-number one sa 100 Most Beautiful Women in the World  based on online voting na pinamahalaan ng Starmometer entertainment blog.

Apat na Filipina beauties and celebrities ang pumasok sa Top 100 na pinangunahan mismo ng ka-loveteam at kasintahan ni Enrique Gil.  Reigning Miss Universe Catriona Gray placed at No. 12, si Nadine Lustre at No. 23 at ang Kapuso young star na si Gabbi Garcia at No. 70.

Ang listahan ng Top 100 Most Beautiful Women in the World ay binubuo ng iba’t ibang mga kilalang personalidad sa buong mundo.

Speaking of Liza, kasalukuyan itong nasa Croatia (part of Europe) kasama si Enrique Gil,  Fumiya Sankai at Direk Cathy Garcia Molina kung saan kinukunan ang ilang mga eksena para sa  kanilang bagong TV series na pinamagatang “Make It With You”.  Ito ang kanilang pang-apat na serye pagkatapos ng “Bagani” nung isang taon.