LizQuen, malalagpasan ang Car-Gel

March 08, 2019
Liza Soberano & Enrique Gil
Liza Soberano & Enrique Gil

MUKHANG malalagpasan ng pelikulang “Alone/Together” na pinagbidahan ng reel and real life sweethearts na sina Liza Soberano at Enrique Gil (tinaguriang LizQuen) at dinirek ni Antoinette Jadaone under Black Sheep Productions ang “Exes Baggage” nina Carlo Aquino at Angelica Panganiban (CarGel) na dinirek ni Dan Villegas (also under Black Sheep Productions) na kumita sa takilya ng P355-M nang ito’y ipalabas in September 2018.

As of March 6, 2019, ang pelikulang “Alone/Together” na mula rin sa panulat ni Direk Antoinette ay umabot na ng P350-M at hindi malayong umabot o di kaya malagpasan ang kinita ng “Exes Baggage”.
    
Ang “Alone/Together” ay pang-apat na production ng bagong tatag na film outfit  at sister company ng Star Cinema ng ABS-CBN, ang Black Sheep Productions.

Debut movie ng Black Sheep Productions ang “Exes Baggage” ni Direk Dan na nagsilbing reunion movie ng dating magkasintahang Angelica Panganiban at Carlo Aquino.

Samantala, sina Direk Dan at Direk Tonette ay magkasintahan at inaabangan na rin ng marami kung kelan magtatapos sa kasalan ang real life love story ng dalawa.