LJ malapit nang isilang ang anak nila ni Paolo

January 02, 2019
LJ Reyes and Paolo Contis
LJ Reyes and Paolo Contis

NGAYONG buwan ng Enero inaasahang isilang ng Kapuso actress na si LJ Reyes ang magiging unang supling nila ng kanyang nobyong si Paolo Contis.  Baby girl ang una nilang baby na may nakahanda nang pangalan, Summer Ayanna.

Sa Pilipinas isisilang ni LJ ang kanyang second child. Ang kanyang panganay na anak na si Ethan Akio (Aki) – 8  sa Kapamilya actor na si Paulo Avelino ay sa New York, USA niya isinilang kung saan naka-base ang kanyang ina at kapatid.

Habang kasama ni LJ ang kanyang ina’t kapatid sa New York nang ipanganak si Aki, si Paolo naman ang nasa tabi niya kapag isisilang niya ang kanilang magiging unang supling any day this month.

Si Summer Ayanna ay magiging third child ni Paolo Contis.  Ang nauna niyang dalawang anak na sina Xonia (8) at Xalene (7) ay mga anak niya sa kanyang ex-wife, ang dating EB Babes dancer at actress na si Lian Paz na may bago na ring partner ngayon, ang cager-businessman na si John Cabahug.  May anak na rin ngayon ang couple, si Nina Angela.  Si John ay may anak ding isang babae sa dati nitong naka-relasyon.