LJ, nanganak na

January 05, 2019
LJ Reyes

NANGANAK na si LJ Reyes last January 4 ng panganay nila ni Paolo Contis. Pinangalanan nilang Summer Ayana ang baby girl.

Si Summer ang second baby ni LJ dahil ang panganay niya kay Paulo Avelino ay lalaki, si Aki.

Si Paolo naman, meron nang dalawang anak na babae sa dating member ng EB Babes dance group na si Lian Paz.

Ngayong 2019, after LJ, ang ibang celebrity mommies na manganganak ay sina Marian Rivera (baby boy), Nadine Samonte sa second baby nila ni Richard Chua, Rochelle Pangilinan sa panganay nila ni Arthur Solinap.

Ang biggest surprise celebrity mom ay si Miriam Quiambao dahil sa late age niya, eh, nabiyayaan pa siyang ipagbuntis ang isang baby boy.

Ang ilan pa sa celebrities na expecting this year ay si Gee Calas, wife ni Archie Alemania; broadcast journalist Ginger Conejero at singer-actress Karel Marquez.