Lloydie, nakipagkita kay Direk Paul

December 17, 2018
John Lloyd Cruz

Walang alam si Toni Gonzaga sa tsikang matsutsugi na sa ere ang sitcom nila ni Piolo Pascual na Home Sweetie Home dahil aniya, wala pa raw advisory sa kanila.

“Kasi, nang pumirma ako ng kontrata sa ABS-CBN, part pa ’yung Home Sweetie Home, so, hindi ko pa alam. Two years pa ’yung pinirmahan kong kontrata last month,” pahayag niya.

“Pero, actually, things can also change, hindi rin natin masasabi,” dagdag niya.

May tsika nga rin kasing ang sitcom ng mag-asawang Regine Velasquez at Ogie Alcasid ang papalit sa time slot ng Home Sweetie Home.

Pero sey ni Toni ay wala rin daw siyang alam tungkol dito.

Natanong din sa kanya kung may communication pa ba sila ni John Lloyd Cruz na una niyang leading man sa sitcom at aniya ay matagal nang wala.

“Wala na, pero I think, nagkita sila ni Paul (Soriano, her husband), mga a month ago, last month, sa office ni Paul, nagkamustahan naman sila,” kwento ni Toni.

Wala raw siyang sama ng loob o tampo kay Lloydie na bigla na lang itong umalis at iniwan sila sa ere.

Okay lang din naman daw kahit hindi ito nagpaalam sa kanya.

“Hindi kami nagkausap na. Pero naiintindihan ko kasi ang mga artista, eh. May kanya-kanyang breaking point. May kanya-kanya namang breaking point ang lahat ng tao.

“It just so happened na kami ang magkatrabaho at that time. Pero I didn’t take anything personally kasi trabaho lang naman lahat, eh. So, huwag mong pepersonalin ang mga bagay-bagay lalo na kapag trabaho.”

Bukod dito, nang time na umalis daw sina Lloydie at Ellen Adarna sa sitcom nila, kapapanganak lang niya kay Seve.

“So, wala pa du’n ’yung concentration ko. Hindi ako nakapag-focus sa side na ’yun, sa aspect na ’yun ng programa namin, because nag-lie low ako sa showbiz and the only show that I was doing at that time was Home Sweetie Home. I only worked once a week. Pinu-fulfill ko lang ’yung contract ko with ABS-CBN pero hindi pa ako full na bumalik sa showbiz nu’ng time na ’yun. Mga one year ’yun,” kwento ni Toni.

Pero okay ba sila ni Lloydie?

“Oo naman, wala naman kaming pinag-awayan, actually. Ang relationship namin ni Lloydie is very professional.”

Hindi sila ’yung tipong nagpapadalahan ng text message?

“May number ako ni Lloydie, kaya lang, alam mo ’yun, you sometimes want to give that person the space that maybe he really wanted. Because if he distanced himself from the industry, maybe, he needed that time, so we respected that,” sabi ni Toni.