Lolit, bumuwelta kay Gretchen

January 08, 2019
Lolit Solis & Kris Aquino

Ipinost ng veteran columnist/talent manager na si Lolit Solis ang text message sa kanya ni Kris Aquino kung saan ay sinasabi na nag-reach out siya kay Rep. Emmeline Villar, who is suffering from lupus herself at nagtayo ng foundation para makatulong sa mga taong may ganito ring sakit.

“I actually reached out to Cong. Emmie in November because I volunteered to support her advocacy by increasing awareness. 90-95% of people with auto immune disease are women,” ang nakalagay sa text message ni Kris kay ’Nay Lolit.

Matatandaang umamin si Kris recently na ang findings sa kanya sa Pilipinas ay nagpapakita ng senyales ng isang form of lupus.

Noon pa sinasabi ni Cong. Emmie na walang gamot sa sakit na lupus pero given the proper care and medication ay pwede raw mabuhay ang pasyente nang matagal.

She’s a perfect example dahil nagbuntis pa nga siya at nanganak sa kabila ng karamdaman.

Anyway, sa caption ni Nay Lolit ay ipinagtanggol niya si Kris sa akusasyon ni Gretchen Barretto na bully at power-tripping ito.

“One thing I can say, hindi si Kris ang tipo na magbibintang ng basta-basta, to put one down, kaya ’pag sinabi niya sure ako lalo at sensitive na issue na totoo iyon bintang niya.

“Ang nangyari nga lang, sa sobrang ingay ng issue nagkaroon ng ibang perception, nagkaroon ng kampihan at pilian kung sino paniniwalaan.

“One thing, hindi at never na ginawa ni Kris ang power tripping. Saksi ako ng kung paano niya sundin ang maghintay, at hindi ipilit na ‘hoy, si Kris Aquino ako, ako unahin nyo’ at to bully, hah hah, mas madalas nga siya ang binu-bully hah hah.

“Kaya mali iyon bintang ni Gretchen Barretto. She should know, naging close sila for a while ni Kris at alam niya na never nito ginamit ang power to get something,” bahagi ng post ni Nay Lolit.