Louise, ’di naniniwala sa live-in

January 21, 2019
Louise Delos Reyes

Ang ganda ng sagot ni Louise delos Reyes sa presscon ng Hanggang Kailan? na “we respect each other’s family” sa tanong kung pabor siya sa live-in ng mga magsyota.

“Magsasama kami kung kasal na kami,” dagdag pa niya.

Ganu’n din ang paniniwala ni Xian Lim, leading man ni Louise sa Viva Films, XL8 at BluArt Productions movie na showing sa February 6.

“Hindi ako open sa live-in. Old-fashioned kasi ako, ’pag kasal na, saka na magsasama.”

Alam ng marami ang relasyon ni Louise sa boyfriend niyang si Jino, si Xian kay Kim Chiu.

In fact, suportado ni Kim ang movie nina Xian at Louise. Matatandaang sinuportahan din ni Xian ang Metro Manila Film Festival (MMFF) entry ni Kim na One Great Love with Dennis Trillo and JC de Vera.

Nakiusap pala si Xian na ’wag i-focus ang promo ng movie sa love scene nila ni Louise dahil marami pang magagandang eksena sa Hanggang Kailan?

Kailangan daw ang love scene para sa journey ng mga karakter nilang sina Donnie at Cath. Hindi lang napigil ang press sa pang-uurirat sa love scene na hindi pa rin sinagot ng dalawa at panoorin na lang daw ang pelikula ni Director Bona Fajardo.