Louise, topless sa lampungan kay Xian!

February 05, 2019
Xian Lim & Louise delos Reyes

TOPLESS kung topless si Louise de los Reyes sa love scene nila ni Xian Lim sa Viva Films movie nilang Hanggang Kailan.

Kahit una nila itong pagtatambal sa big screen, naitawid naman nina Louise at Xian ang kani-kanilang characters.

Isang “third party” movie ang ginawa nina Xian at Louise sa ilalim ng direksyon ni Bona Fajardo.

Mahal ang hitsura ng pelikula dahil dumayo pa talaga sila sa Japan para kunan ang mahahalagang eksena.

But more than the sizzling love scenes, may ibubuga rin sa aktingan sina Xian at Louise na siguradong hahangaan ng manonood, huh!