Lovelife, b-day wish ng fans kay Alden

January 01, 2019
Alden Richards

Birthday ni Alden Richards today, January 2, at 27 years old na ang aktor.

Wala pa kaming balita kung may party siya to celebrate his birthday, kaya hintayin natin kung paano niya isi-celebrate ang kanyang kaarawan.

Ang Bluey fans ni Alden ay may pa-hashtag ng 27 birthday wishes para sa aktor na #ALDEN27BirthdayWishes.

Sa mga nabasa namin, bukod sa patuloy na success sa kanyang career, ang magkaroon na ng lovelife ang birthday wish nila sa aktor.  

May hula pala kay Alden na may gagawing teleserye sa ibang bansa at umaasa ang fans ng aktor na sa Thailand siya gumawa ng teleserye.

Natatandaan namin, nabalita nang may gagawing soap sa Thailand si Alden with Thai producers and Thai actors. Baka nga this year na ito mangyari.

For his project sa GMA-7, gusto ni Alden na gumawa ng drama at siguro naman, ibibigay ito ng network sa kanya.

Gusto ring gumawa ng pelikula ng aktor at sana nga, matuloy ’yung movie na pagsasamahan nila ng isang magaling na veteran actress.