Loveteams binabasag na ng abs-cbn

March 23, 2019

BINABASAG ng ABS-CBN’s Star Cinema and Black Sheep Productions ang loveteam system at maganda ito para na rin sa sariling growth ng stars and talents as individual performer.  Ginawa na rin ito ng Viva Films sa magka-loveteam na James Reid at Nadine Lustre.

Sa pinakabagong movie project ngayon ng Black Sheep Productions na nakapaghatid na ng blockbuster hit movies na “Exes Baggage” na pinagbidahan nina Angelica Panganiban and Carlo Aquino and “Alone/Together” nina Liza Soberano at Enrique Gil, bagong tambalan naman mapapanood sa pagitan nina Julia Barretto at Gerald Anderson.  Ang unang pelikulang pagtatambalan nina Julia at Gerald ay pinamagatang “Between Maybes” mula sa panulat at direksiyon ni Jason Paul Laxamana na sa Japan kukunan ang maraming eksena.  For sure, ipapareha rin sa iba ang ka-loveteam at real life boyfriend ni Julia na si Joshua Garcia.  Ganito rin ang ginawa ng Star Cinema sa magiging unang tambalan nina Kathryn Bernardo at Alden Richards na sa Hong Kong naman isu-shoot with Cathy Garcia-Molina at the helm.  Marami naman ang nagsa-suggest na ipareha umano si Maine Mendoza kina Daniel Padilla, Enrique Gil, James Reid  at Joshua Garcia.  Nariyan din ang napapabalitang boyfriend ngayon ng phenomenal star na si Maine na si Arjo Atayde.  

Samantala, si Jason din ang writer-director ng pangatlong entry nito sa Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) sa darating na September, ang “Just A Stranger” na tatampukan nina Anne Curtis, Edu Manzano at Marco Gumabao.