Home>Entertainment>Showbiz>Lovi at Benjamin parehong nahumaling sa K-drama

Lovi at Benjamin parehong nahumaling sa K-drama

Lovi Poe and Benjamin Alves
Lovi Poe and Benjamin Alves

MALAKI raw ang naitulong ng panonood ng Korean drama para hindi makalimutan nina Lovi Poe at Benjamin Alves ang kanilang mga karakter sa bagong pagsasamahang series na ‘Owe My Love.’ Natigil kasi ng ilang buwan ang taping nila para sa pagbibidahang serye.
Kuwento ni Lovi, “I started watching K-Drama and I’m addicted to it now. So I think that’s one thing na parang without even knowing na meron kaming natututunan all throughout para madala namin sa show. And now, I’m just so excited to bring kung ano ‘yung mga bago kong natutunan at kung ano ‘yung mga baon namin.”

“Actually nagme-message kami ni Ben lagi na excited na ako na mag-start kami ng Owe My Love kasi may mga iba na kaming atake sa roles,” dagdag pa ng actress.

Ayon naman kay Benjamin, ang kanilang pagkahilig ni Lovi sa Korean drama ang isa raw sa dahilan kung bakit tuluy-tuloy ang communication nila sa gitna ng quarantine, “Si Lovi naman ang nagre-recommend sa akin. Noong March hindi siya nanonood ng K-drama, ngayon ang dami niyang sinasabi sa akin, ‘You have to watch this guy, you have to watch this.’”

Kamakailan ay sumabak na rin sina Lovi at Benjamin sa virtual script reading para sa naturang upcoming Kapuso rom-com series.

Makakasama sa Alden’s Reality inihayag na

December AvenuePALAPIT na ng palapit ang first-ever virtual reality concert sa bansa, ang Alden’s Reality.

Bukod sa world-class performances na inihanda ng Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards, marami pang sorpresa ang dapat tutukan sa gabing ito.

Kasama sa magiging special guests ni Alden ang sikat na bandang December Avenue. Siguradong kilig vibes ang hatid ng mga haranang gagawin nila kasama ang Kapuso star.

Almost sold out na rin ang tickets para sa ‘Alden’s Reality: The Virtual Reality Concert’ kaya naman kung hindi pa nakakabili, huwag na mag-atubiling bisitahin ang www.gmanetwork.com/synergy bago pa maubusan.

Sef at Andre may bagong comedy game show

Sef Cadayona at Andre Paras
Sef Cadayona at Andre Paras

MAY paparating na comedy-game show for all generations sa GMA News TV, ang ‘Game of the Gens’ .

Hindi bale kung sa Baby boomer, Gen X, Millennial o Gen Z ka man nabibilang dahil tiyak na enjoy ang lahat sa kaabang-abang na games and surprises sa Game of the Gens na ihahatid nina Sef Cadayona at Andre Paras.

Kaabang-abang ang unique and fresh team up ng dalawang Kapuso stars. Kung si Andre ay may natatanging talento sa hosting at kadalasan ding gumaganap na leading man, si Sef naman ang isa sa promising comedians ng kanyang henerasyon.

Abangan ang ‘Game of the Gens’ soon on GMA News TV.

Ruru Madrid and Shaira Diaz
Ruru Madrid and Shaira Diaz

Ruru at Shaira pressured sa training para sa action series

SUMAILALIM na sa training ang Kapuso stars na sina Ruru Madrid at Shaira Diaz para sa pagbibidahang upcoming action-packed series na Lolong.

Online ang kanilang training, pero marami raw natutunan ang dalawa.

“Kahit online training pa lang, medyo ang hirap na,” pahayag ni Shaira.

Dagdag pa ni Ruru, “Ang goal ng aming trainer ‘yung form namin para at least once na nakasalang na kami sa TV or may fight scenes kami, ‘yun ang nangingibabaw.”

Pinaghahandaan din nina Ruru at Shaira ang mga mabibigat nilang eksena sa serye, lalo pa at makakasabayan nila ang ilan sa mga hinahangaang personalidad sa industriya.

“To be honest, nakaka-pressure talaga. Medyo mataas talaga ‘yung expectations ng mga tao, siyempre, magandang casting, ganyan,” ani Ruru.

Sabi naman ni Shaira, “Mas kinakabahan ako pero siyempre gaya ng sabi ni Ruru, excited na rin ako na may matututunan sa kanya.”

Publication Source :    People's Journal
Eugene E. Asis
Founding Member: Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) / Entertainment Editor, People's Journal