Lovi may bagong boyfriend

June 25, 2019
Lovi Poe & Montgomery Blencowe

THIRTY year-old  free-spirited singer-actress Lovi Poe must have enjoyed her months of stay in Los Angeles, California not only because she took up acting lessons and went out with friends kundi dahil meron na rin itong bagong inspirasyon sa katauhan ng US-based British writer-producer na si Montgomery Blencowe.

Lately, Lovi has been sharing photos in her Instagram at kasama na rito ang actor ng “Sabrina” (TV series) na si Gavin Leatherwood, Garrett Myers at si Montgomery.  Apparently, magkakaibigan ang tatlo.  Ayon sa panayam ni Ricky Lo kay Lovi, nakilala umano niya ang mga ito sa acting class na kanyang dinaluhan.  Dito marahil nagsimula ang special friendship ni Lovi with Montgomery at naging dahilan ng pag-extend ng Kapuso singer-actress  ng kanyang stay sa L.A.

It was about two weeks ago nang bumalik ng Pilipinas si Lovi at nakadalo pa ito sa Mega Millennial Ball where she was chosen as one of the 10 Best Dressed of Mega.

Just when people thought na agad nitong babalikan ang paggawa ng bagong TV series sa GMA, biglang lumipad si Lovi where she probably met up with her rumored British boyfriend na si Montgomery at dumalo ang dalawa sa Royal Ascot horse racing event na dinaluhan ng members of the Royal Family sa England.  Nagmistula ring Royal British ang attire ng dalawa.

Bago nakilala ni Lovi si Montgomery (in L.A.) ay naging kasintahan nito for almost two years ang Fil-French na si Chris Johnson.

Late last year nang mapabalitang wala na sina Lovi at Chris dahil hindi na nagpu-post ang dalawa na magkasama sa kanilang respective Instagram account.

In December last year ay lumipad si Lovi patungong New York at magkasama pa sila ng kanyang kaibigan at kapwa Kapuso artist na si Rhian Ramos na nag-celebrate ng New Year.  From New York ay saka tumuloy ng L.A. si Lovi where she met the Birtish writer and film producer na si Montgomery.

Samantala,  Lovi has been previously linked to  movie actors Cogie Domingo, Jolo Revilla, Jake Cuenca at Rocco Nacino at ang young politician na si Ronald Singson at pinakahuli nitong naka-relasyon ay si Chris Johnson.

Kapag ipinagpatuloy ni Lovi ang kanyang singing at acting career sa Pilipinas, ito’y nangangahulugan lamang that she will be carrying a long-distance relationship with Montgomery.  This will make Lovi to be in the same  boat with KC Concepcion, Eugene Domingo, Glaiza de Castro to name a few na ang mga boyfriend ay naka-base sa ibang bansa.

Marami namang mga kaibigan ni Lovi ang umaasa na sana’y si Mont (short for Montgomery) na ang makatuluyan ng half-sister ni Sen. Grace Poe.