Lovi, nag-Christmas dinner kina Susan at Grace

December 26, 2018
Lovi Poe with Susan, Grace & FPJ’s family

Hindi pa man natatapos ang “ingay” ng Fantastica, may bago na namang aabangan ang fans ni Vice Ganda and this time, kasama niya si Regine Velasquez.

Ang tinutukoy namin ay ang three-night concert ng dalawa sa Araneta Coliseum na naka-schedule sa February 14, 15 and 16.

Wala pang title ang concert at “SOON” pa lang ang nakasulat sa pinost nina Vice at Regine sa socmed accounts nila.

Ang caption lang ni Vice “extra EXTRA.” Produced ang concert ng Star Events, ABS-CBN Events at iME na pagmamay-ari ni Cacai Mitra, kapatid ni Regine.

Sa January 10, 2019 magsisimulang mabili ang tiket.

* * *

Good vibes ang bigay sa netizens na nakakita ng photos na pinost ni Lovi Poe sa social media kung saan kasama niya sa Christmas dinner sina Susan Roces, Sen. Grace Poe, ang pamilya nito at ang mga kapatid ni Fernando Poe Jr.

In fact, kahit walang caption, matutuwa pa rin ang makakakita ng nasabing litrato, pero may caption pa rin si Lovi na, “Not like any other Christmas.”

Kita sa photos na lahat nakangiti, masaya ang lahat.

Hindi rin nabanggit kung saan ginawa ang dinner, pero parang sa bahay ni Susan ito idinaos.

Speaking of Lovi, nami-miss na siyang mapanood ng kanyang fans sa shows ng GMA-7. Wish nilang sa 2019, magkaroon ng bagong teleserye ang aktres.

* * *

Sunud-sunod na ang plugging ng new shows ng GMA-7 sa 2019 at mauuna sa January ang Inagaw Na Bituin tampok sina Kyline Alcantara at Therese Malvar.

Naka-schedule naman sa February ang airing ng Sahaya, tampok ang loveteam nina Bianca Umali at Miguel Tanfelix.

Sa TV interview, nabanggit ni Bianca na may swimming lesson siya, free diving dahil sa dagat siya lalangoy.

Bukod sa swimming, may dance lessons din si Bianca at nag-aaral ng kultura ng mga Badjao. 

Sa February din ang airing ng TODA One I Love  nina Kylie Padilla at Ruru Madrid sa direction nina Jeffrey Hidalgo at Nick Olanka. 

Political rom-com ang tema nito, produced ng GMA Public Affairs in time for the upcoming mid-term elections. 

Based naman sa true story from India at urban legend sa Great Britain ang Kara Mia na ipinanganak with Disprosopus or craniofacial duplication.

Interesting ang story nito ng magkapatid na may congenital defect.

Tampok sina Barbie Forteza as Kara na nasa harap ang mukha at Mika as Mia na nasa likod ang mukha.

Balita namin, nag-taping ang cast sa Bacolod.