Home>Entertainment>Showbiz>Lovi reunites with BF in the US

Lovi reunites with BF in the US

Lovi Poe and Montgomery Blencowe
Lovi Poe and Montgomery Blencowe

MULING nagkasama ang actress na si Lovi Poe at BF niyang si Montgomery Blencowe matapos na hindi magkita nang ilang buwan.

Bago matapos ang Setyembre ay nagkaroon ng chance ang ‘I Can See You: High-Rise Lovers’ actress na lumipad patungong US upang bisitahin ang boyfriend.

Sa kanilang reunion photo na ibinahagi ni Lovi sa kanyang Instagram account, sweet na sweet ang dalawa.

Nag-post din si Monty ng kanilang much-awaited reunion kung saan pinagtabi niya ang pre-pandemic at new normal date photos nila, “Last year vs. this year.”

Sa previous interview ni Lovi ay sinabi niya na isa sa susi ng kanilang healthy long-distance relationship ang communication, “It is key. Kahit nga hindi long-distance relationship, it’s important to communicate.”

Thea at Jeric nag-aral ng sign language para sa fresh episode ng #MPK

Thea Tolentino and Jeric Gonzales
Thea Tolentino and Jeric Gonzales

BAGONG episode na naman ang mapapanood sa ‘Magpakailanman’ ng GMA7 ngayong Sabado (October 17).

Pinamagatang “Sign Language of Love,” pagbibidahan ito nina Thea Tolentino at Jeric Gonzales bilang sina Jessica at Louie.

Isang teacher sa school for the deaf si Jessica. Dito niya makilala ang estudyante niyang si Louie, na mahuhulog ang loob sa kanya. Kaya lang, huhusgahan at tututulan sila ng mga tao sa paligid nila.

Para magampanan ng mabuti ang kani-kanilang mga karakter, kapwa dumaan sa workshops sina Thea at Jeric para matuto ng sign language.

Mapapanood ang “Sign Language of Love” sa #MPK ngayong Sabado, 8:15 p.m.pagkatapos ng The Clash sa GMA-7.

Khalil pangarap makatrabaho si Dingdong

WINELCOME na bilang opisyal na Kapuso si Khalil Ramos matapos siyang ang kanyang contract signing with GMA Artist Center.

Nang tanungin siya kung sino ang pinapangarap niyang maka-eksena na Kapuso star bukod sa nobyang si Gabbi Garcia, ibinunyag niya na big fan daw siya ng Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes at sana nga raw ay magkatrabaho sila.

“He’s someone that I super look up to as an actor, if given the chance again, gusto kong makatrabaho si Kuya Dingdong Dantes because he is a well-respected and celebrated actor. I’m a fan of his work and kung sa future mayroong project in line na may chance akong makatrabaho siya, I would definitely take on that chance so let’s pray for that project!”

Inulan din ng positive comments mula sa netizens ang pagiging Kapuso ni Khalil at nag-trend pa ang hashtag na #WelcomeKapusongKhalil sa social media. Sey ng isang fan, excited itong makita sa TV sina Gabbi at Khalil together, “Yeheyyyy! Welcome to GMA kuya @khalilramos looking forward for a project with ate @gabbi hihi! My #GabLil heart!”

Samantala, sasalang na rin si Khalil sa weekend variety show na ‘All-Out Sundays.’

Alden Pinakapasadong Aktor sa 22nd Gawad Pasado

Alden Richards
Alden Richards

PINANGALANANG “Pinakapasadong Aktor” si Asia’s Multimedia Star Alden Richards sa ginanap na ika-22 Gawad Pasado

nitong nakaraang Sabado, October 10.

Buong pusong nagpasalamat ang actor sa mga tinatawag na Dalubguro mula sa Philippine Normal University na pumili sa kanya sa mahusay niyang pagganap sa pelikulang Hello, Love, Goodbye noong 2019.

“Isang malaking karangalan po na nabigyan ako ng award mula po sa inyong samahan. Nagpapasalamat po ako. Sa uulitin po. Thank you for this award kahit medyo na-late tayo dahil mayroon tayong pandemic ngayon. ”

Ang Gawad Pasado ay taunang pagkilala sa mga natatanging Pilipino sa larangan ng pelikula at telebisyon. Ito ay binubuo ng mga miyembro ng Pampelikulang Samahan ng mga Dalubguro mula sa Philippine Normal University.

Publication Source :    People's Journal
Eugene E. Asis
Founding Member: Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) / Entertainment Editor, People's Journal