Luanne at Carlo engaged na

May 04, 2019
Luane Dy, Carlo Gonzales

TIYAK na masaya ang magpinsang Dingdong Dantes at Arthur Solinap para sa cousin nilang actor na si Carlo Gonzales (28) who got engaged with TV personality Luane Dy (32) last April 18, 2019 sa Disneyland Theme Park in Anaheim, California.

Sa magpipinsan, si Dingdong ang unang nag-asawa sa actress na si Marian Rivera at meron nang dalawang anak. Sumunod naman si Arthur with wife na si Rochelle Pangilinan at may isa naman silang baby.

Si Carlo ay madalas mapanood sa iba’t ibang TV series ng GMA habang si Luane ay mainstay sa morning show ng GMA, ang “Unang Hirit” at sa noontime show na “Eat Bulaga”.

Ngayong engaged na sina Carlo at Luane matapos ang kanilang walong taong relasyon ay pinagpa-planuhan naman nila ang kanyang kasal na malamang mangyari bago magtapos ang taong ito o di kaya early next year.