Luis at Jessy 'di maka-dadalo sa star magic ball dahil kay Edu

September 13, 2019

HINDI makadadalo sa 2nd year ng ABS-CBN Ball sa araw na ito ng Sabado, September 14 na gaganapin sa ballroom ng Shangri-La at the Fort in BGC ang magkasintahang Luis Manzano at Jessy Mendiola dahil natapat ito sa 64th birthday ng ama ani Luis na si Edu Manzano and they want to spend the occasion with him.

Sina Luis at Jessy ay mahigit tatlong taon na rin ang relasyon at sumasagi na rin umano sa kanilang usapan ang planong pagpapakasal pero hindi umano ito mangyayari anytime soon.  Pero masaya ang couple sa estado ng kanilang relasyon ngayon.

Napaka-stable na ng income ni Luis hindi lamang bilang TV host-actor kundi laluna being a successful businessman para bumuo ng sarili niyang pamilya.  

Luis is 38 at 26 naman si Jessy.