Luis mauunahan pa ni Angel

November 03, 2019

KUNG nanaisin lamang ng TV host-actor-comedian and successful entrepreneur na si Luis Manzano (38) ay kaya na nitong bumuo  ng sarili niyang pamilya lalupa’t napaka-stable na ng kanyang estado sa buhay in terms of income.

Hinihintay na lamang umano ng kanyang 26-year-old girlfriend  of more than three years na si Jessy Mendiola ang wedding proposal at handa na rin umano nitong pasukin ang buhay may-asawa.

Kung ang entranged parents lamang ni Luis na sina Cong. Vilma Santos-Recto at Edu Manzano lamang ang masusunod ay gusto na umano ng dalawa na mag-asawa na ang kanilang panganay at kaisa-isang anak para magkaroon na rin sila ng apo.  Pero hindi naman nila puwedeng pangunahan ang desisyon ng kanilang binata at maghihintay lamang umano sila kung kelan ito mangyayari.

Bukod sa pagiging most in-demand TV host ng Kapamilya Network, pagiging actor-comedian at celebrity endorser, si Luis ay isa ring successful businessman who owns his own fleet of taxi, gasoline stations, perfume business at iba pang negosyo.  Napakasuwerte umano ni Jessy kapag si Luis ang kanyang napangasawa dahil bukod sa mabait at pagiging responsible nito, tiyak ding isa itong good provider at secured ang kanilang magiging pamilya.

Si Jessy ang ipinalit ni Luis nang sila’y magkahiwalay ni Angel Locsin na malapit nang ikasal.