Home>Entertainment>Showbiz>Madam Auring namaalam na

Madam Auring namaalam na

Madam Auring
Madam Auring

PUMANAW na nung nakaraang Biyernes, October 30, 2020 ang kilala at naging controversial noon na tinaguriang `fortune teller to the stars,’ si Madam Auring, Aurea Sabalboro Erfelo sa tunay na buhay mula sa Sampaloc, Manila. She was 80.

When she was still alive, she claimed that she was `one of the the five most famous women in Asia” nung dekada nubenta.

In fairness kay Madam Auring, nahulaan niya ang panalo noon ng Miss Spain na si Amparo Munoz bilang Miss Universe in 1974 na rito sa Pilipinas ginanap gayundin ang panalo ng boxing icon na si Muhammad Ali over Joe Frazier sa “Thrilla in Manila” event kaya nakilala siya ni Ali na siya mismo nagbansag sa kanya ng “Madam Auring”.

Ang American fortune teller na si Phyllis Bury ang humula kay Ali na siya’y matatalo ni Frazier.

Madam Auring led a very colorful and controversial life. Lumabas din siya sa ilang pelikula. Naugnay siya sa ilang aktor kabilang na ang dating Jukebox King na si Victor Wood.

Ang pagkamatay ni Madam Auring ay kinumpirma ng kanyang apo na si Daryl Simon Pecson sa kanyang Facebook post.

Pagtatambal nina Gabbi at Khalil sa TV posible na

MATAPOS lumipat sa Kapuso network si Khalil Ramos, posible na ang pagtatambal nila ng kanyang real life girlfriend, ang Kapuso singer-actress na si Gabbi Garcia sa isang TV show.

Si Khalil na isa ring singer-actor ay iwi-welcome sa araw na ito ng Linggo sa “All-Out Sundays,” ang musical variety show ng GMA.

Si Khalil ang kauna-unahang Kapamilya talent na lumipat sa bakuran ng GMA nang ibasura ng kongreso ang prangkisa ng ABS-CBN last July 10.

Stepmom ni Coleen nanganak naman

ONE month and ten days later matapos isilang ni Coleen Garcia ang kanilang first born ni Billy Crawford na si Baby Amari nung September 10, 2020, nagsilang naman ng stepmom ni Coleen na si Sey Garcia ng isang baby girl, si Alison Louise nung October 20, 2020.

Coleen was only 13 years old nang magkahiwalay ang kanyang parents na sina Jose Luis Garcia at Maripaz Magsaysay.

Ngayong may baby sister na si Coleen, magkakaroon na ng playmate ang baby boy nila ni Billy na si Baby Amari. But that makes Amari baby Alison’s nephew.

Habang busy si Coleen sa kanyang duties as housewife (to Billy) at mom to Baby Amari, busy naman si Billy sa kanyang dalawang hosting jobs sa TV5, ang daily noontime show na “Lunch Out Loud” at “Masked Singer Pilipinas” every Saturday at 7 p.m.

Daddy ni Ice handa na sa mangyayari

HALOS bone and skin na lamang ang ama ni Ice Seguerra na si Daddy Dick who is battling his prostate cancer for years. Pero sa kabila nito ay nakukuha pa umano ni Daddy Dick na makipagbiruan sa kanyang misis na si Mommy Caring at sa mga anak na sina Ice at Juanchy.

Sinabi umano ni Daddy Dick sa kanyang pamilya na masaya siya at handa na umano niyang iwan ang kanyang pamilya.

Pinagbigyan din ni Ice ang kahilingan ng ama na mabisita ang libingan ng kanyang parents at makita ang iba nilang mga kaanak sa Calauag, Quezon.

Umaasa ang singer-songwriter na sana’y makasama pa rin nila si Daddy Dick sa darating na Pasko at Bagong Taon.

Publication Source :    People's Journal
Aster Amoyo
Talent manager, TV host, vlogger