Mader Ricky abalang-abala pa rin after more than 30 years

April 16, 2019
Ricky Reyes

ABALANG-abala ngayon ang beauty czar, philanthropist, successful  businessman at TV host na si Mader Ricky Reyes para  sa nalalapit na beauty event ng FilHair na kanya mismong pinamumunuan for the last 35 years.  Pinamagatang “Jade Anniversary Beauty Event,” ito’y gaganapin on April 23, 2019 simula ng alas-9 ng umaga sa Metrotent ng Metrowalk, Pasig City.

Samantala, mahigit na palang 30 years si Mader Ricky bilang TV host ng isang lifestyle and magazine show.

Taong 1988 nang simulan ni Mader Ricky ang paghu-host ng sarili niyang TV show na nagsimula sa programang “Beauty Secrets” sa bakruan  sa RPN-9.  Ang programa ay pinalitan ng titulo at ginawang “Beauty School Plus” in 1994  hanggang 2005.  Nagkaroon din siya ng programang “Teka, Teka” also on RPN-9 in 1996. In 2005 ay lumipat si Mader Ricky sa dating QTV sa pamamagitan ng kanyang “Gandang Ricky Reyes” na tumagal up to 2011.  Nagpatuloy ang programa ni Mader Ricky in 2011 up to the present nang gawing GMA News TV ang dating QTV at ginawa na itong “The World of Gandang Ricky Reyes” na makailang beses na ring nakatanggap ng award bilang “Best Lifestyle Show”.

Nine years ago in 2010, si Mader Ricky ay na-feature sa A-list ng Forbes Magazine bilang isa sa 48 Heroes of Philanthrophy in Asia-Pacific na may kinalaman sa health care  and job training at nabanggit dito ang kanyang pagtatag ng CHILDHaus.  CHILD stands for Center for Health Improvement and Life Development.  Ang CHILDHaus ay isang half-way home ng mga cancer-stricken children galing sa mahihirap na pamilya sa probinsya na lumuluwas ng Maynila para magpagamot sa mga public hospitals na pinangungunahan ng PGH o Philippine General Hospital.

Sobra nang malayo ang narating ng dating tagapulot lamang ng mga hairpins na nalalaglag sa sahig  at tagawalis ng isang parlor na dati niyang pinasukan nung siya’y nagsisimula pa lamang para makatulong sa kanyang pamilya.

Naging daan din si Mader Ricky ng namayapaang komedyanteng si Chokoleit na makarating ng Maynila para maabot niya ang kanyang mga pangarap.