Mader Ricky features former Governor Chavit in show

November 21, 2018
Ricky Reyes and Chavit Singson
RICKY Calderon, Ricky Reyes, Chavit Singson and Aster Amoyo.

AFTER almost two years ay muli kaming dumayo ng Vigan, Ilocos Sur kasama ang beauty czar, philanthropist at  veteran lifestyle magazine TV host na si Mader Ricky Reyes and his production team, ang successful businesswoman at ina ng 18-year-old singer and recording artist na si LA Santos na si Flor Santos at ang entertainment writer na si Ricky Calderon.  We arranged the trip with businessman and former governor of Vigan, Ilocos na si Chavit Singson and took a 6 a.m special flight to Vigan last Monday, November 19 sakay ng private plane ni Gov, ang Dornier-328 na siyang ginamit ng mga Miss Universe candidates in January 2017 sa kanilang out of town trips.

We have been to Vigan a couple of  times in the past, pero marami nang mga bagong infrastructures at mga tanawin sa loob mismo ng Baluarte at patuloy ang construction ng mga lugar na paglalagyan ng 27 giraffe at mahigit 100  deer from Africa na darating sa bansa on December 7 at mapapabilang sa sariling mini-zoo ni Gov. Chavit  which the public and the tourists can access and see for free.

Doon naman sa mga turista na gustong mag-stay  sa Balauarte ay bukas na ang  Zafari Hotel  at individual cottages.

Sa loob pa lamang ng Baluarte ay marami na ang puwedeng puntahan, kasama na rito ang regular animal show, ang air-conditioned safari gallery kung saan matatagpuan ang maraming  preserved wild animals personally hunted by the businessman-politician himself, ang Golden Tower at iba pa.

Outside Baluarte ay marami pang attractions ang Vigan tulad ng mga historical and cultural sites - Vigan Heritage Village on Calle Crisologo, ang Dancing Fountain (donated by former Gov. Chavit) na matatagpuan sa Plaza Salcedo,  ang Bantay Bell Tower, Hidden Garden, the 17th century old St. Paul Metropolitan Cathedral, ang Pag-abelan (local weaving), Pagburnayan (pottery) at iba pa.  Pagdating naman sa local delicacies ay nariyan ang Vigan longganisa, bagnet, ang pinakbet ng Pinakbet Farm, empanada at iba pa.  

Mader Ricky had the liberty to explore the main attractions in Vigan and had a one-on-one interview with the man behind the city’s progress na si former Gov.  Chavit.   This  will be shown on his weekly magazine show on GMA News TV, ang “The World of Gandang Ricky Reyes” on December 1, 2018, 9 a.m. to 10 a.m. as his pre-Christmas presentation.