Mag-isa

December 12, 2018
Mr. & Mrs. Aljur Abrenica

Taga-showbiz, bilang sa kasalang Aljur-Kylie

Nasa IG story ni Robin Padilla ang ilang bahagi ng wedding ceremony nina Aljur Abrenica at anak na si Kylie Padilla.

Siguradong masaya si Robin dahil matagal niya itong hinintay at nangyari na nga noong December 11.

Ginanap ang kasal sa Villa Milagros Events Place sa Rodriguez, Rizal.

Gawa ni Mark Tumang ang wedding gown ni Kylie, mag-isa siyang naglakad sa aisle patungo sa nag-officiate ng wedding.

Doon na sila sinalubong nina Robin at Liezl Sicangco.

Family and family friends ang karamihan sa bisita sa wedding at ang taga-showbiz lang na nakita namin sa video at photos ay sina Maritoni Fernandez, na pinsan ni Robin, at ang anak nitong si Lexi Martinez.

Present din si Sophie Albert dahil BF niya si Vin Abrenica, brother ni Aljur.

Ang kaibigan lang ni Kylie from showbiz na imbitado ay si Gabbi Garcia na naging close sa kanya nang magkasama sila sa Encantadia.

Ang boyfriend na si Khalil Ramos ang escort ni Gabbi.

Samantala, tuloy na ang tambalan nina Kylie at Ruru Madrid, nag-storycon na sila para sa political rom-com series na TODA One I Love na produced ng GMA News and Public Affairs at mapapanood sa first quarter ng 2017.