Magdyowa

November 19, 2018
Alden Richards

Alden at Andrea, iba ang galawan.

Kung totoong may “something beautiful” going on kina Alden Richards at Andrea Torres, hindi sila aakusahang gumigimik dahil tapos na ang Victor Magtanggol at wala na silang show na pinu-promote.

Sa farewell dinner ng cast, staff at crew ng programa napansin ang sobrang closeness ng dalawa. Magkatabi at magkadikit sa kanilang kinauupuan at may nag-comment na upong magdyowa ang upo nila dahil nakalagay ang braso ni Alden sa likod ng upuan ni Andrea at ang aktres, parang nakahilig kay Alden.

Napansin din na pareho sila ng shoes at sa games, isinuot ba o ibinigay ni Alden kay Andrea ang sapatos nito. Kita ’yun sa kumalat na video clip.

Sabagay, walang masama kung maging sina Alden at Andrea dahil pareho silang single. Hindi lang maiwasan na may fans na galit kay Andrea at sumusugod na nga sila sa socmed account nito at inaaway ang aktres.