Mahigpit!

December 27, 2018
Eddie Garcia, Gloria Romero and Tony Mabesa
‘Rainbow’s Sunset’s’ Eddie Garcia, Gloria Romero & Tony Mabesa

NANGIBABAW muli ang interes ng cinema owners sa second day pa lamang ng showing ng walong entries sa 2018 Metro Manila Film Festival (MMFF).

Choice na nila ang mga pelikulang ipalalabas sa kanilang sinehan.

Of course, hindi lang producers at gobyerno ang may interest sa kita ng bawat movie.

Para sa producers, ’yung pagbalik ng investments nila ang gusto nilang mangyari.

Sa pamahalaan naman, may mga beneficiary na mabibiyayaan kapag malaki ang hinamig ng walong pelikulang sa loob ng mahigit sampung araw na showing nito mula Disyembre 25 hanggang January 7, 2019.  

Mas mahigpit nga lang ang theatre-owners lalo na sa pelikulang hindi masyadong pinipilahan.

May daily expenses din kasi silang kailangang bayaran kaya walang choice ang apektadong producers kundi sumunod sa regulasyon nila.

Kalat na sa social media ang entries na pinapasok ng manonood. Ang unang casualty naman sa bawas- sinehan ay ang family drama na Rainbow’s Sunset. Mula na rin sa isa sa writers ng story na si Ferdy Lapuz, napansin daw niyang nabawasan ng sinehan ang movie after ng first day of showing nito.

Huwag mag-alala ang hindi pa nakapapanood ng Joel Lamangan movie. Magdasal tayong lahat na humakot ito ng maraming awards (kagabi sa Gabi ng Parangal) dahil kapag humamig ito ng maraming awards, ibabalik sa sinehan ’yan ng mga may-ari.