Mahiwaga

January 03, 2019
Nadine Lustre
Nadine Lustre

WALA pang playdate ang  coming Nadine Lustre movie na Ulan pero humanga agad ang mga nakapanood ng teaser na inilabas last January 2.

Of course, may hatak ang movie dahil sa bagong leading man ni Nads na si Carlo Aquino.

Nahiwagaan lang ang mga nakapanood kung may touch of horror ang pelikula dahil sa pagkakabanggit ng tikbalang sa kausap ni Nads.   

Misteryoso kasi ang dating ng teaser pero gandang-ganda pa rin ang netizens sa pagkakagawa ni Direk Irene Villamor.

Masusubukan ang pagiging box-office star ni Nadine sa Ulan dahil hindi ang boyfriend at loveteam na si James Reid ang kapareha niya.

Buti na lang, galing sa blockbuster film na Excess Baggage si Carlo kaya may bentahe na siya.

Huling napanood si Nads sa box-office film nila ni James na Never Not Love You.  

Samantala, todo-training naman si James para sa gagawin niyang action fantasy na Pedro Penduko.