Maine at Arjo ’di na nagtatago

November 11, 2018
Maine Mendoza

HINDI na talaga maitatago  ang pagiging espesyal na magkaibigan ngayon nina Maine Mendoza at ang binata ng veteran actress na si Sylvia Sanchez, ang Kapamilya actor  na si Arjo Atayde.

Ito ay dahil maraming beses nang naispatan ang dalawa sa magkakahiwalay na lugar. Ang pinaka-latest ay ang panonood ng dalawa (together with some friends) ng isang concert  sa Vertis Tent in Quezon City nung nakaraang Huwebes (November 8) ng gabi.

Since hiwalay na si Arjo sa ex-girlfriend niyang si Sammie Rimando ng GirlTrends, walang problema kung ma-link man siya ngayon sa tinaguriang phenomenal star. Wala naman silang relasyon ng ka-love team niyang si Alden Richards.

Ang panonood nina Maine at Arjo ng isang concert last Thursday night ay pang-apat na public sighting sa dalawa.

Tiyak na uuriratin ng entertainment media sina Maine at Arjo sa presscon ng upcoming MMFF movie na “Jack Em Popoy” na tinatampukan din nina Vic Sotto at Coco Martin.