Home>Entertainment>Showbiz>Maine bahagi na ng pamilya Atayde

Maine bahagi na ng pamilya Atayde

Maine Mendoza and Arjo Atayde’s family
Maine Mendoza with Arjo Atayde’s family

HINDI maitatanggi na bahagi na ng pamilya Atayde ang turing nila sa phenomenal star na si Maine Mendoza (25) magmula nang ito’y maging kasintahan ng actor na si Arjo Atayde who turned 30 kahapon, Thursday, November 5. Sina Maine at Arjo ay naging magkasintahan in December 2018 nang gawin nila ang 2018 Metro Manila Film Festival movie na “Jack Em Popoy” na tinampukan nina Vic Sotto, Coco Martin at Maine kung saan kasama si Arjo.

Kasama si Maine ng pamilya ni Arjo nang salubungin nito ang kanyang ika-30 birthday.

Si Arjo ay panganay na anak ng mag-asawang Art Atayde at seasoned award-winning actress na si Sylvia Sanchez. Nakababatang kapatid nito ang actress-TV host na si Ria Atayde.

Although naba-bash noon si Arjo at ang kanyang inang si Sylvia sa simula ng relasyon nila ni Maine, ngayon ay tila tanggap na ito ng fans ni Maine at maging ng (dating) tambalan nila ni Alden Richards. Wala nga namang magagawa ang fans kung sino ang gustong ibigin sa tunay na buhay ng kanilang idolo.

Barbie nag-aalala sa mga kaanak sa Bicol

WORRIED ang young actress at PBB: 737 alumna na si Barbie Imperial sa kanyang mga kaanak sa Daraga, Albay, isa sa hardest hit areas ng Bicol region ng super typhoon Rolly nung nakaraang All Saints Day, November 1.

Bago lumuwas ng Maynila, si Barbie at ang kanyang ina at nakatatandang kapatid ay nakatira sa gilid ng riles ng tren sa Daraga, Albay. Bagama’t ngayon ay kasama na niya ang mga ito sa Maynila, nasa Albay pa rin ang iba nilang kamag-anak na apektado ng bagyongRolly.

Bukod sa nagdaang bagyo, nasa gitna pa ang buong Pilipinas ng pandemya ng COVID-19 kaya hindi muna sila makakauwi ng Albay for their traditional Christmas reunion.

Barbie (22) was launched into full stardom sa afternoon TV series ng ABS-CBN in 2018, ang “Araw Gabi” kung saan niya nakatambal sa unang pagkakataon si JM de Guzman at kamuntik mauwi sa relasyon ang kanilang team-up.

First showbiz boyfriend ni Barbie ang young actor na si Paul Salas na nauwi sa isang controversial break-up in 2018.

Si Barbie ay kasalukuyang napapanood sa bagong serye ng Kapamilya, ang “Bagong Umaga” maging sa bagong digital series ng iWant TFC na “Oh, Mando!” kasama ang openly gay (or bi?) actor na si Alex Diaz at Kokoy de Santos.

Bettina engaged na sa best friend

Bettina Carlos and Mikki Eduardo
Engaged couple Bettina Carlos and Mikki Eduardo

ANG Kapuso actress-host nasi Bettina Carlos, turning 33 on December 25 ay engaged na sa kanyang fiancé na kinu-consider niyang best friend na si Mikki Eduardo. The two got engaged on October 7, 2020.

A single mom of a 9-year old daughter na si Amanda Lucia Carlos na tinatawag niyang Gummy, Bettina admits na isa umano siyang pasaway nung teen-ager pa siya. Natuto umano siyang uminom at manigarilyo at nabuntis ng isang guy na hindi niya boyfriend. Pero ang realization ni Bettina ay nangyari when she got pregnant at dito umano siya huminto sa bisyo ng paninigarilyo at pag-inom. Nagbago rin ang kanyang pananaw sa buhay.

With the support of her family, mag-isang ni-raise ni Bettina ang kanyang anak and she prayed hard na sana’y may dumating sa buhay niya na isang guy na mamahalin niya at mamahalin din siya at ang kanyang anak. Dininig ng Diyos ang panalangin ng aktres nang dumating sa kanyang buhay si Mikki na hindi lamang mahal na mahal si Bettina kundi maging ang kanyang anak na si Gummy.

Donita pinuri ni Sharon dahil sa pagiging loyal kay Super Tekla

Super Tekla and Donita Nose
Super Tekla and Donita Nose

HINDI makapaniwala ang 41-year-old comedian, actor-TV host na si Donita Nose (Rodello Juntos Solano) na siya’y makakatanggap ng text galing sa Megastar na si Sharon Cuneta congratulating him (or her) sa kanyang pagiging loyal best friend ng comedian-TV host na si Super Tekla (Romeo Librada) na dumaan sa maraming pagsubok sa buhay.

Ayon kay Sharon, napakasuwerte umano ni Super Tekla sa pagkakaroon ng best friend katulad ni Donita na handang dumamay sa kanya sa lahat ng oras.

Kung matatandaan pa, si Donita Nose ang nagdala at nagpakilala kay Super Tekla sa game show host-producer na si Willie Revillame at tinanggap siya (Super Tekla) bilang isa sa mga co-host. Nang magka-problema sa pera si Super Tekla na panggastos ng kanyang bagong silang (noong June) na si Baby Angelo na kailangang sumailalim ng operasyon, inilapit siyang muli ni Donita Nose kay Willie for financial assistance. Tumulong din ang mga kasamahan ni Super Tekla sa GMA na makapag-raise ng funds.

Nang mapagitna na naman si Super Tekla sa kontrobersiya dahil sa sumbong ng dati nitong partner na si Michelle Lhor Bana-ag sa programa ni Raffy Tulfo, isa si Donita Nose sa mga nagtanggol sa kanyang kaibigan.

Sadya ngang napaka-suwerte ni Super Tekla sa pagkakaroon ng isang kaibigan tulad ni Donita Nose.

Maging ganoon din kaya si Super Tekla kapag si Donita Nose naman ang magkaroon ng problema?