Maine kay Alden: ’Pag happy ka, happy ako

January 02, 2019
Maine Mendoza & Alden Richards

KILIG na kilig ang fans nina Alden Richards at Maine Mendoza nang pagsamahin sila ng Boom segment ng Eat Bulaga kahapon.

Birthday ni Alden kahapon kaya nang hingan si Meng ng birthday message, saad niya, “Gusto ko happy ka dahil ’pag happy ka, happy ako.”

Sigawan ang audience sa pahayag ni Meng, lalo na nu’ng akbayan siya ni Alden, huh!

Para naman sa Pambansang Bae, happiest birthday niya ang nadama niya.

Hindi na niya ipinaliwanag kung bakit, basta ang sabi niya, eh, lahat ng pinu-pursue niya, nagkakaroon ng katuparan.

Bumaha naman ng cake mula sa iba’t ibang fans club ni Alden and of course, maging sa AlDub Nation.

Basta para kay Joey de Leon, si Alden ang isa sa mga taong napakasipag, maalalahanin at mapagmahal sa pamilya.

Ilan pa sa mga bumati sa Kapuso actor ay sina Ruby Rodriguez at Ai-Ai de las Alas.

Sa kaarawan niya, naglabas ng TVC ang isang global food chain ng three-part commercial kung saan pinapelan ni Alden ang tatlong magkakaibang characters.

Sa unang part, spy ang character ni Alden, kung fu master sa second part at sa third TVC, isang adventurer na ala-Indiana Jones.

Ang pagkakapareho ng tatlong commercials, palpak ang lahat ng gusto niyang i-save dahil ang konsepto ng TVC ay para sa pagkain nilang iniendorso ni Alden.

Happy, happy birthday, Alden!