Maine may pelikula kasama si Carlo

June 28, 2019
Carlo Aquino and Maine Mendoza
Carlo Aquino and Maine Mendoza

NAKATAKDANG gumawa ng isang romantic-comedy film si  Maine Mendoza sa Black Sheep Productions (sister company  ng Star Cinema at pag-aari rin ng ABS-CBN) na pinamagatang “Isa Pa with Feelings” na pagtatambalan nila ni Carlo Aquino at pamamahalaan  ng award-winning director na si Prime Crisologo Cruz.  Ang batang director ay siya ring nagdirek ng “Can We Still Be Friends” nina  Gerald Anderson at Arci Munoz under Star Cinema at ang “The Debutantes” ng Regal Entertainment and the award-winning indie movie na “Sleepless” na nagpapanalo kay Dominic Roco as best actor.  Ang 2016 movie na “Ang Manananggal sa Unit 23B” na pinagbidahan ni Ryza Cenon ay siyang nagpapanalong Best Director for Prime at Best Supporting Actress for Vangie Labalan.

Si Prime ay naging segment producer ng “Pinoy Big Brother: Teen Edition” in 2010 at isa sa creative minds ng IdeaFirst Company ng mag-partner na filmmakers na sina Jun Robles Lana at Perci Intalan.

Ang Black Sheep Productions naman  ang nag-produce ng hit reunion movie ng dating magkasintahang Angelica Panganiban at Carlo Aquino, ang “Exes Baggage”  na dinirek ni Dan Villegas at kumita sa takilya ng P350-M plus nang ito’y ipalabas sa mga sinehan last September 2018.

Although hindi pa kasing laki si Direk Prime bilang director kumpara kina Direk Cathy Garcia-Molina at Dan Villegas, napakalaking challenge para sa kanya na ipinagkatiwala ang pagdidirek ng first team up nina Maine at Carlo sa pelikula.

Kung si Alden Richards ay may movie with Kathryn Bernardo, ang “Hello, Love, Goodbye” na pinamahalaan ng box office director na si Cathy Garcia-Molina,  maganda rin  siguro kung si Maine naman ay ipareha kay Daniel Padilla in a future project.