Maine nagulat sa sweet message ni Alden

July 06, 2020
Maine and Alden

NAGULAT ang Phenomenal Star na si Maine Mendoza sa sweet video message ni Alden Richards sa kanya on her 5th anniversary sa showbiz.

Although hindi nauwi sa totohanan ang loveteam ng dalawa, sobrang nagpapasalamat si Alden kay Maine dahil nakatulong nang husto sa kanilang dalawa ang kanilang surprise team-up.  

Although hindi na ganoon kainit ang kanilang love team, tini-treasure pa rin ng singer-actor, celebrity endorser and entrepreneur ang kanilang masasayang araw at the height ng kanilang loveteam.

It is no secret na ang Kapamilya actor na si Arjo Atayde ang tunay na kasintahan Maine at malapit nang mag-dalawang taon ang kanilang relasyon habang si Alden ay nanatiling unattached.  Gayunpaman, magkasama pa rin sina Alden at Main sa longest-running noontime show na “Eat Bulaga” which will be celebrating its 41st anniversary sa July 30.