Maine natupad ang pangarap na makasama si Carlo

October 01, 2019
Maine Mendoza

SA unang pagkakataon ay nakarating ang phenomenal star na si Maine Mendoza sa ABS-CBN Studio Experience sa Trinoma kung saan ginanap ang mediacon ng kanyang first team-up movie with Kapamilya actor Carlo Aquino, ang “Isa Pa with Feelings” na dinirek ni Prime Cruz under Black Sheep Productions and APT Entertainment.

Ang Black Sheep Productions ay subsidiary ng Star Cinema at ABS-CBN Films kaya Kapamilya pa rin ang treatment ng pelikula maging ang promosyon nito.

Ang romantic-drama movie na “isa Pa With Feelings” nina Maine at Carlo ay magsisilbing first anniversary presentation ng Black Sheep Productions.

Ang unang offering ng Black Sheep Productions ay ang hit movie na “Exes Baggage” na dinirek ni Dan Villegas at tinampukan ng dating magkasintahang Angelica Panganiban at Carlo Aquino.  Kaya second movie na bale ni Carlo ang “Isa Pa With Feelings” sa naturang film company at pang-11th produced films ng kumpanya in a span of one year na halos lahat ay maganda ang naging  performance sa takilya.

Just like the first pairing nina Kathryn Bernardo at Alden Richards  sa highest Filipino grossing movie of all time, ang “Hello, Love, Goodbye” na dinirek ni Cathy Garcia-Molina, masasabi ring unconventional ang pagtatambal sa movie nina Maine at Carlo.  

Hindi ikinakaila pareho nina Maine at Carlo na nakaramdam umano sila ng kakaibang excitement at kaba nang malaman nila na magtatambal sila sa pelikula.  Parehong tahimik lamang ang dalawa at nagpakiramdaman nung una silang magkita sa story conference. Nang magsimula na silang mag-shoot ay doon lamang umano sila nag-loosen-up at unti-unting nagkakuwentuhan at biruan hanggang sa maging palagay na ang kanilang loob sa isa’t isa.

Inamin ni Maine na napanood umano niya ang “Meet Me In St. Gallen” nina Carlo at Bela Padilla na dinirek ni Irene Villamor at na-in love umano siya sa movie at sa character nina Carlo at Bela in the movie.  Hindi rin ikinaila ni Maine na nagka-crush umano siya bigla sa character ni Carlo in the movie at pinangarap niyang makatrabaho ang actor.

Kung nagkataon lang na wala silang respective loves, puwede umano silang ma-fall sa isa’t isa dahil na-discover nila pareho ang magagandang qualities ng isa’t isa.

Carlo has a non-showbiz girlfriend ngayon, ang model na si Trina Candaza habang si Maine naman ay hindi na lingid ang relasyon kay Arjo Atayde.

Sinabi ni Maine na hanggang ngayon ay utang na loob pa rin nila ni Alden Richards sa kanilang mga fans kung anuman ang kanilang narating both as a love team at sa kanilang magkakahiwalay na proyekto.    Pareho pa rin umano silang supportive at masaya sa kanilang respective career at madalas pa rin silang mag-usap sa “Eat Bulaga” kung saan sila mainstay pareho.

Although nakatakda pa lamang ipalabas sa mga sinehan nationwide ang movie nila ni Carlo, may 16 confirmed block screenings na ang naka-schedule na in-organize ng fans ni Maine in support of the movie, bagay na pinasasalamatan ng Dubsmash Queen.

Bukod sa “Isa Pa with Feelings” with Carlo, ginagawa rin ngayon ni Maine ang kanyang Metro Manila Film Festival movie with Vic Sotto, ang “Mission Unstapabol: The Don Identity” kung saan din tampok sina Jake Cuenca at Pokwang.  Nariyan pa ang kanyang weekly tapings ng sitcom nila ni Bossing (Vic), ang “Daddy’s Gurl” kaya most of the time ay absent siya sa “Eat Bulaga”.

Samantala, kinumpirma sa amin ng manager ni Maine na si Rams David (ng Triple A Management) na may scheduled guestings umano si Maine sa mga programa ng ABS-CBN to promote her movie with Carlo.

Although identified si Maine sa Kapuso Network dahil sa “Eat Bulaga” at sa team-up nila nila ni Alden Richards, wala siyang network contract with GMA dahil siya’y nasa pangangalaga ng Triple A Management na pag-aari rin ni Tony Tuviera, ang big boss ng APT Entertainment at TAPE, Inc. na siyang producer ng longest-running noontime show, ang “Eat bulaga” kaya walang magiging conflict kung mapanood man siya sa mga programa ng Kapamilya network.

Still on Maine, inamin nito na although open siya sa paggawa ng mga drama projects tulad ng kanyang ginawa sa movie nila ni Carlo, mas kumportable pa rin umano siya sa paggawa ng comedy.

Samantala, ang “Isa Pa With Feelings” ay tinatampukan din nina Cris Villanueva, Lotlot de Leon, Nikki Valdez, Kat Galang, Vangie Labalan, Geleen Eugenio at Rafa Siquion-Reyna.