Maine, nominado sa Most Beautiful Faces 2018

November 14, 2018
Maine Mendoza

NANGUNA si Maine Mendoza sa Kapuso stars na kasama sa listahan ng nominees sa Most Beautiful Faces of 2018 sa entertainment blog site na TC Candler and the Independent Critics na inilabas sa Instagram.

Kabilang din sa nominees sina Kim Domingo, Kate Valdez at Kapuso actor Ivan Dorschner.

Take note na hindi lang local celebrities ang kahilera nila sa mga nominado dahil nasa listahan din sina Elizabeth Olsen, Steph Claire Smith, Kate Opton at iba pa.

Bumisita sa YouTube channel ng TC Candler para malaman kung paano mag-nominate ng iba pang Kapuso stars.