Maine, pa-chill-chill umawra sa New York City

February 07, 2019
Maine Mendoza

CHILL-CHILL ang awra ni Maine Mendoza habang nasa harap ng The Metropolitan Museum of Art sa New York City.

Agaw-pansin ang caption niya sa litrato dahil lumabas ang pagiging witty niya.

“The Met: minsan pinapasyalan, madalas sinusuot.”

Winner ang caption ni Meng para kina Allan K, Iza Calzado, DJ Nicolelihiyala at writer-comedian Kaladkaren.

Walang detalye mula sa Phenomenal Star at management team niyang Triple AAA kung bakit nasa NYC si Meng.

Ang lumutang na dahilan ng biyahe niya roon ay para sa global brand ng cosmetics line na MAC.

Last year inilunsad ang collaboration ni Maine at ng MAC para sa lipstick shade na tinimpla niya.

Bumenta ang shade kaya naman sa huling mensahe ng MACPH sa management niya, may mga pasabog pa silang inihahanda para kay Meng.

Si Meng ang unang Pinay na nagkaroon ng collaboration sa international cosmetics kaya kung produkto man uli ang pakay niya roon, eh, panalo na naman ito.