Maine sa New York City, nag-trend!

February 08, 2019
Maine Mendoza
Maine Mendoza

BIDANG-BIDA si Maine Mendoza habang kaharap ang ilang foreigners na tila may pinapaliwanag habang nakaupo siya sa harap nila.

Bahagi ng trabaho ni Meng ang latest post niya sa Instagram at Twitter para ipaalam na may nilulutong proyekto ang Mac Cosmetics kaya siya nasa New York City ngayon.

Nakatatak sa silyang inuupuan ang katagang MACMaker@MAINEDCM. Kaya ang fans niya, pina-trend ang gamit nilang hashtag na #MACMaineXnewyork kahapon.

Eh, sa Instagram stories ng Phenomenal Star, may pahaging siya kung ano ang next collaboration niya sa global brand ng cosmetics pero wala pang kumpirmasyon tungkol dito.

Sa isang video, nasa background niya ang iba’t ibang kuha ng labi na may shades ng kulay ng lipstick.

Sa isang video naman, naglalagay siya ng lipstick na iba-ba ang shade.

Lipstick shade ang unang collaboration ni Meng with Mac at bumenta talaga ito hindi lang sa bansa kundi sa buong mundo, huh!