Home>Entertainment>Showbiz>Mainit ang pagpasok ng 2021

Mainit ang pagpasok ng 2021

Benj Manalo, Lovely Abella and Crisha
Benj Manalo, Lovely Abella and Crisha

KUNG sa taong nagdaan (2020) ay hitik ng maraming pagsubok, maiinit na balita and happenings, weddings, engagements, celebrity baby boom, deaths at marami pang ibang kaganapan, mukhang hindi naiiba ang bagong pasok na taong 2021.

Sa simula pa lamang ng taon ay bumulaga na ang unang baby ng magkasintahang Meryll Soriano at Joem Bascon kasunod dito ay ang pagpu-post ng young actor na si Diego Loyzaga ng picture nila ng young actress na si Barbie Imperial na kuha sa isang beach in Bohol. Tinapos naman ng dancer-actor na si Benj Manalo ang taong 2020 by proposing (for the second time) sa kanyang longtime partner, ang dancer-turned actress-comedienne na si Lovely Abella. Ang nakakatuwa rito, hindi lamang siya kay Lovely nag-propose kundi maging sa anak nito (sa ibang karelasyon) na si Crisha na itinuturing na ring parang sariling anak ng dancer-actor.

Si Benj ay isa sa apat na mga anak ng singer-comedian-TV host na si Jose Manalo. Ang tatlo pa ay sina Nico, Ai at ang doktora na si Myki.

Miriam buntis at 45

Miriam Quiambao and Ardy Roberto
Miriam Quiambao and Ardy Roberto

FORMER Miss Universe 1st runner-up (1999) Miriam Quiambao (45) is now over two months pregnant sa magiging second child nila ng kanyang husband na si Ardy Roberto. Ang unang baby ng mag-asawa na si Elijah ay magtu-two years old on February 17.

Si Ardy ay may adopted teen-age son sa yumao nitong misis na si Tingting Roberto na si Joshua na kinu-consider ding sariling anak ng dating beauty queen.

Si Miriam ay nagmula sa isang failed marriage. Una nitong napangasawa ang Italian businessman na naka-base sa Hong Kong na si Claudio Rondinelli. Nagpakasal ang dalawa sa Boracay in 2004 pero ito’y nauwi sa divorce in 2006.

It was in 2013 nang ma-engaged ang dating beauty queen sa book author, inspirational speaker, consultant and entrepreneur na si Ardy. Nagpakasal ang dalawa nung March 25, 2014 pero nung February 17, 2019 lamang sila nagkaroon ng kanilang first baby na si Elijah when Miriam was 43.

Miriam will be 46 when she gives birth to her second baby sometime in July.

Alden ibinigay ang napanalunan sa isang cancer patient

Alden Richards
Alden Richards

ALTHOUGH isa si sa mga host ng longest-running noontime show na “Eat Bulaga” nagsilbi siyang contestant sa popular segment ng programa, ang “Bawal Judgmental” on his 29th birthday celebration sa nasabing program. Five thousand pesos lamang ang nabawas sa kanyang P50,000 na panalo na personal niyang idu-donate sa isang fan na may sakit na kanser. Ang kanyang P45,000 win ay tinumbasan ni Maine Mendoza ng katapat na amount para makatulong.

Since may pandemya at sarado na ang Concha’s Garden Café ni Alden sa may Scout Madrinan in Quezon City, isang simpleng get-together with his family ang naganap sa kanyang kaarawan. Pero ang nakakatuwa, hindi nakalimot ang fans ng actor-host at celebrity endorser ng pagpapadala sa kanya ng mga birthday cakes at iba’t ibang regalo.

Heart may dahilan para manatili sa Sorsogon

Heart Evangelista and Chiz Escudero
Heart Evangelista and Chiz Escudero

TIYAK na matutuwa ang fans ng Kapuso singer-actress at celebrity endorser-model na si Heart Evangelista dahil magkakaroon ito ng bagong teleserye ngayong bagong taon.

Bagay na bagay kay Heart ang titulo ng kanyang bagong teleserye, “I Left My Heart in Sorsogon” dahil ito ang hometown ng kanyang mister, ang gobernador ng nasabing lugar na si Francis `Chiz’ Escudero. Base na rin sa titulo, malamang na sa Sorsogon din kunan ang taping ng serye na tiyak na magugustuhan ni Heart dahil may rason siyang manatili nang matagal sa nasabing lugar to be with her husband although pabalik-balik naman siya ng Maynila.

On February 14 ay ise-celebrate ni Heart ang kanyang 36th birthday at kinabukasan, February 15 ay 6th wedding anniversary naman nila ni Gov. Chiz.

Ang last teleserye na ginawa ni Heart ay ang “My Korean Jagiya” from 2017 to 2018 kung saan nakatambal ng singer-actress ang Korean actor na si Alexander Lee. Ito’y dinirek ni Mark Reyes under GMA.

Angel at Neil matutuloy na ang kasal

NOONG nakaraang taon ang original schedule ng kasal ng engaged couple na sina Angel Locsin at Neil Arce pero ito’y naurong dahil sa pandemya. Pero matutuloy na umano ito sa taong ito, 2021.

Sa taon ding ito nakatakdang ikasal ang ex-boyfriend ni Angel na si Luis Manzano na engaged na rin sa kanyang fiancé na si Jessy Mediola. The couple got engaged in October last year pero nung November 2020 lamang nila inamin ang tungkol sa kanilang engagement.

Nagkahiwalay man sina Angel at Luis, pareho naman silang masaya ngayon sa kanilang respective partners.

Samantala, marami naman ang naghihintay sa proposal ng Kapuso actor na si Dennis Trillo sa kanyang kasintahang si Jennylyn Mercado na naging ex-girfriend din ng panganay na anak ng estranged couple na sina Vilma Santos-Recto at Edu Manzano.

Double celebration para sa anak nina Solenn at Nico

Nico Bolzico and Solenn Heussaff with Thylane Katana
Nico Bolzico and Solenn Heussaff with Thylane Katana

MAGIGING double celebration parati sa celebrity couple na sina Solenn Heussaff at Nico Bolzico ang petsang January 1 dahil bukod sa New Year ay kaarawan ito ng kanilang first child na si Thylane Katana who just turned one year old. Ang mag-asawa ay ikinasal sa Eglise Notre Dame in Combourg, France, ang hometown ng French dad ng model-singer-actress na si Solenn. Filipina naman ang ina ni Solenn habang si Nizo ay isang Argentinian businessman.

Samantala, magwa-one-year-old na rin on March 2 ang first baby ng mag-asawang Anne Curtis at Erwan Heussaff na si Dahlia Amelie.

Si Erwan, as we all know, ay jkapatid ni Solenn.

pumanaw bago mag- New Year

Pierre Cardin
Pierre Cardin

BAGO nagtapos ang taong 2020 ay sumakabilang-buhay ang kilalang Italian-French designer na si Pierre Cardin nung December 29, 2020 sa American Hospital of Paris, France sa edad na 98. Four days later ay inihatid siya sa kanyang huling hantungan sa Montmartre Cemetery nung January 2, 2021.

Si Pierre ay isinilang sa San Biagio di Callalta, Italy nung July 2, 1922.

Subscribe, share and like “TicTalk with Aster Amoyo” on YouTube and follow me on Instagram and Facebook @asteramoyo and Twitter:@aster_amoyo

Publication Source :    People's Journal
Aster Amoyo
Talent manager, TV host, vlogger