Maire pam-beauty queen ang ganda

March 15, 2019
Marie Preizer
Marie Preizer

PAM-BEAUTY queen ang Fil-Austrian beauty na si Marie Preizer, ang bagong alaga ng talent manager na si Leo Dominguez ng LVD Management and Consultancy na siyang nangangalaga ng respective careers nina Ogie Alcasid, Solenn Heussaff, Lovi Poe, Paulo Avelino, JC de Vera, Janine Gutierrez, ang mag-inang Gloria Diaz at Isabelle Daza, Ricardo Cepeda at iba pa.

Marie (who is Karla Marie de Vera Preiczer in real life) just turned 18 recently.

Although showbiz kaagad ang gustong pasukin ni Marie, we suggested to Leo na subukan muna nitong sumali sa mga beauty pageant dahil sa angkin nitong ganda, talino at height.

Bilang paghahanda ni Marie sa kanyang pagsabak sa showbiz ay sumasailalim na ito sa iba’t ibang workshop in acting, dancing and singing.

Marie was 7 when his Austrian father passed on at siya’y naiwan sa kalinga ng kanyang mom na si Liza de Vera-Preiczer, dating flight stewardess ng Saudia Airlines at sa kanyang maternal grandma na si Aurora Mair.

Noong buhay pa ang ama ni Marie na si Ernst-Karl Preiczer ay sinanay na siya nito na magbiyahe sa iba’t ibang bansa na hanggang ngayon ay ginagawa at ipinagpapatuloy pa rin ni Marie at ng kanyang inang si Liza.

“I love to travel,” pag-amin ni Marie nang ito’y lumapit sa table namin during her debut party na ginanap sa Clubhouse ng 68 Roces Townhomes along Roces Avenue in Quezon City kamakailan lang.