Maja 'di mapantayan si Lily Cruz

October 21, 2019
Maja Salvador

MAJA Salvador's "The Killer Bride" seems to be not picking up in the ratings game.

Maging sa social media hindi rin siya maingay. That is compared to her last teleserye "Wildflower." Or maybe, it's too early to gauge its success.

The teleserye is now over two months on air since it premiered last August 12. Kaya namin napansin na hindi pa rin nagiging bukambibig ito hanggang ngayon. Iba talaga 'pag may matinding kontrabida sa isang teleserye. Dahil mas pinag-uusapan. Parang tried and tested formula na ito sa teleserye. Pinatunayan ’yan sa "Wildflower" na kung saan sina Emilia (Aiko Melendez), Natalie (Roxanne Barcelo) at Red Dragon (Zsa Zsa Padilla) ang nagpahirap kay Ivy Aguas/ Lily Cruz.

Matatandaan na nag-trending ang "The Killer Bride" nang masunog at mamatay ang anak ni Camila (Maja). At nang muling magpakita na buhay pala siya. Doon na nagsimula ang pagsu-solve sa kaso ng kanyang "pagkamatay" sa katauhan ni Emma (Janel Salvador). At mula noon, hindi na ito umingay. Mukhang 'di pa rin kagat sa Pinoy ang "mystery solving" na teleserye. Katulad ng "Mea Culpa, Sino ang May Sala?", mabagal pa rin ang usad ng "The Killer Bride" sa ratings game.

Bakit nga ba mas patok sa masang Pinoy ang mga bangayan at sampalan sa teleserye? Just asking...