Makisig ikinasal na sa beauty queen GF

June 19, 2019
Makisig Morales and Nicole Joson
Makisig Morales and Nicole Joson

IKINASAL na nitong nakaraaang Lunes, June 17, ang singer and former child actor na si Makisig Morales (22) to his Fil-Aussie  beauty queen fiancée na si Nicole Joson sa isang intimate beach wedding sa La Perouse in Sydney, Australia na dinaluhan ng kanilang respective families and close friends.

It was in September last year when Makisig Morales (22) got engaged to his Fil-Aussie  beauty queen fiancée na si Nicole sa Perth, Australia.  Ang pamilya ni Makisig ay nag-migrate sa Australia nung 2014 pero bumalik si Mikisig ng Pilipinas nung isang taon para maging bahagi ng TV series na “Bagani” na pinagbidahan ng magka-loveteam at real-life sweethearts na sina Liza Soberano at Enrique Gil.

Ang showbiz career ni Makisig ay nagsimula nang siya’y maging contestant ng “Little Big Star,” isang reality singing competition for the kids in 2005.  Two years later ay ginawa siyang co-host ng nasabing programa.

In 2006, nagbida si Makisig sa isang fantasy TV series na “Super Inggo” at nakasunod na rito ang kanyang exposure sa iba’t ibang TV drama series and anthologies ng Kapamilya Network.

Limang taon gulang pa lamang noon si Makisig nang siyang sumali sa isang segment ng dating noontime show ng ABS-CBN, ang “Magandang Tanghali Bayan” or MTB sa “Duet Bulilit” kung saan kasama niya ang kapatid niyang si Mayumi.

Bago nag-migrate sa Australia ang pamilya ni Makisig in 2014 ay naging bahagi siya ng TV series na “Mirabella”.

Kung tutuusin, napakabata pa ni Makisig at 22 na mag-asawa.