Manay Gina ’di kayang mag-retire

March 31, 2019
Manay Gina Perez-de Venecia

HAD  a rare intimate lunch with Manay Ichu Perez-Maceda, Manay Gina Perez-de Venecia and Lilibeth Perez-Nakpil last Saturday (March 30) at the Vera-Perez ancestral house in Valencia, Quezon City which was converted into Sampaguita Gardens and Events Place.

Sina Manay Ichu, Manay Gina at Betchay (Lilibeth) ay tatlo sa anim na mga anak ng then Sampaguita Pictures producers na sina Dr. Jose Perez at Mrs. Azucena Vera-Perez.   Ang tatlo pa ay ang yumaong si Pepito, Kokoy at Chona.

Sa anim na magkakapatid, tanging si Manay Gina lamang ang nalinya sa public service na kanyang sinimulan nung taong 1992 nang siya’y maging pangulo ng Congressional Spouses Foundation, Inc. (CSFI).  Sa unang dalawang termino niya bilang pangulo ng CSFI ay pinamunuan niya ang pagbubukas ng The Haven for Women in Alabang, Muntinlupa which was inaugurated in September 30, 1995 at sumunod na rito ang construction ng 15 pang regional centers sa buong bansa.

Nung February 15, 1997 ang CSFI sa pamumunuo ni Manay Gina ay lumagda ng Memorandum of Agreement (MOA) with then Dept. of Interior and Local Government (DILG) Secretary Robert Barbers ng pagkakaroon ng Women’s Desk sa bawat presinto ng pulisya nationwide na patuloy pa ring ipinatutupad hanggang sa kasalukuyan.

It was in June 1996 nang simulan ni Manay Gina ang kanyang programa sa radio na pinamagatang “Pira-Pirasong Pangarap” and a year later ay sinundan ito ng kanyang programa sa telebisyon with the same title na tumagal sa ere sa loob ng pitong taon.  Pagkaraan ng pitong taon, muli itong ni-relaunch at binigyan ng ibang pangalan at ginawa itong “Nagmamahal, Manay Gina” on DZBB na sinundan din ng TV version nito sa bakuran ng GMA.  Ang nasabing programa ay tatlong beses nakakuha ng award mula sa Catholic Mass Media Awards as Best Drama Program.  Naisingit din ni Manay Gina ang kanyang dalawang magkahiwalay na advise column sa dalawang magkaibang tabloid.

In 2002, naging chairperson din si Manay Gina ng Apolinario Mabini Awards na nagbibigay ng recognition sa achievements ng mga disabled.  On the same year ay naging chairperson din siya ng Aliw Awards na nagbibigay naman ng recognition sa mga outstanding artist.

It was in June 15, 2004 nang i-launch ang The Haven for Children in Muntinlupa City na siyang nagri-rehabilitate ng mga street children (6-12 years old) and in 2006, the campaign expanded on a national scale na nagkaroon ng regional branches in Dagupan, Tarlac, Agusan del Sur at Cagayan.

As if these are not enough, itinatag naman ni Manay Gina nung December 16, 2004 ang INA (Inang Naulila sa Anak) Foundation na siyang nagpu-provide ng psycho-social support sa mga inang naulila ng kanilang mga anak.  Ang INA Foundation ay matatagpuan sa DSWD Compound sa Batasan Hills in Quezon City.

It was in April 28, 2010 nang inagurahan ang bagong proyekto ni Manay Gina bilang pangulo ng CSFI, ang pagpapatayo ng The Haven for the Elderly in Tanay, Rizal na merong 20-building facility para sa mga senior citizens na inabandona ng kanilang mga anak.  Habang patuloy ang pagdami ng The Haven for Women on a national scale kung saan provided din sila ng iba’t ibang livelihood project.

Nang tumakbo si Manay Gina sa pagka-kongresista sa ikaapat ng distrito ng Pangasinan ay overwhelming ang kanyang panalo hanggang sa kanyang ika-dalawang term.  Lahat ng batas at kanyang adbokasiya ay may kinalaman sa mga kababaihan laluna ang mga abused women.

Nang manalo bilang kongresista si Manay Gina sa Pangasinan, siya ang nagpasimuno ng reconciliation among the winners and the losers in her turf.

Sa halip na siya’y muling tumakbo sa ikatlong termino sa pagka-kongresista ay ipinagpatuloy ito ng kanyang anak na si Christopher de Venecia.  Pero hindi nawawala ang patuloy niyang pagtulong sa mga kababaihan.

It was her son, Christopher who encouraged her to run sa Partylist at dito nabuo ang Inang Mahal which was coined (for her) ng King of Talk na si Boy Abunda, who, like her ay mapagmahal sa ina at sa kapakanan ng mga mga kababaihan.

“Ang buong akala ko ay gusto ko nang mag-retire sa public service, pero hindi nawawala sa akin ang pagtulong at pagpapatuloy ng aking adbokasiya sa mga kababaihan,” pag-amin ni Manay Gina.