Maraming pinaiyak ang 'Huling El Bimbo'

March 08, 2019
The cast of 'Huling El Bimbo'
The cast of 'Huling El Bimbo'

DUMALO kami sa full house gala night ng “Ang Huling El Bimbo” sa Newport Performing Arts Theater (NPAT) last Thursday night, March 7 kung saan namin namataan ang beauty czar, TV host and philanthropist na si Mader Ricky Reyes and his longtime partner, ang successful businessman na si Cris Aquino.  Nakita rin namin doon ang TV executive na si Bobby Barreiro, ilang members ng Side A Band, ang singer-actor na si Pepe Herrera at iba pang kilalang personalidad.

Hindi namin gaanong ma-connect ang kuwento until nung  second part na unti-unting nag-build-up at nag-connect ang mga characters at  takbo ng istorya.  Bago ang ending ay hindi namin namalayan na tumutulo na pala ang luha namin ng aming mga katabi  and my daughter, Aila Marie who flew in from Tokyo, Japan just to watch the show for the second time. Nang kami’y luminga, marami sa kanila ang  simpleng pinapahid ang luha sa kanilang mga mata.  There were also guys ang napaiyak towards the end part of the play including businessman Cris Aquino.

The cast of “Ang Huling El Bimbo” were given standing ovation.

Ang “Ang Huling El Bimbo” ay mapapanood sa lahat ng Thursdays up to Sundays at 8 p.m. with matinees at 3:00 p.m. on Saturdays and Sundays na tatakbo until April 14 na inaasahang muling mai-extend dahil marami sa playdates ay sold-out na.

We plan to watch it again bago magtapos sa susunod na buwan.

Samantala, after the show ay tumuloy kami sa El Calle and Music Hall ng Resorts World Manila kung saan namin nakita in person ang bumubuo ng cast ng “Ang Huling El Bimbo” and we had a chance na ma-congratulate ang karamihan sa kanila.