Marcelito nakadaupang palad si Celine Dion

May 31, 2019

HINDI akalain ng 34-year-old 2nd season winner ng Pilipinas Got Talent na si Marcelito Pomoy na magbabago ang kanyang buhay nang siya’y sumali sa nasabing reality talent competition at tuluyan na siyang mahahango sa kanyang pagiging taong-kalye.

Ang kanyang pagkapanalo sa PGT ang nagdala sa kanya sa “Ellen Degeneres Show” in early November 2018 kung saan kinanta niya ang “The Prayer” at “Beauty and the Beast” (of Celine Dion).  Hindi lamang si Ellen ang kanyang pinahanga kundi maging  milyung-milyong viewers ng programa maging ang studio audience na nagbigay sa kanya ng standing ovation.  

Habang kinakanta ni Marcelino ang “The Prayer” ay personal na tinawagan ni Ellen ang idolo ni Marcelino na si Celine Dion na agad nangakong papupuntahin ito ng Las Vegas, Nevada (where Celine regularly performs at The Colosseum ng Caesar’s Palace since March 2011) para makita at mapanood ang kanyang show all expenses paid for na sobrang ikinatuwa ng Filipino  combined tenor-soprano singer.  At ito’y tinupad pareho nina Ellen at Celine just very recently.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala si Marcelino na nakadaupang-palad niya ang kanyang idolo sa personal at napanood ang show nito at nagkaroon sila ng pagkakataon makapag-picture together.

“Keep it up,” tanging sinabi ni Celine kay Marcelino na hanggang ngayon ay tila nasa alapaap pa ang pakiramdam.