Marco dalanging makalaya ang ama

August 16, 2019
Marco Gumabao

ANG makitang malaya ang amang si Dennis Roldan ang ultimate birthday wish ng Viva actor na si Marco Gumabao who just turned 25 last Wednesday, August 14.

Sa kabila ng tagumpay na tinatamasa ngayon ni Marco bilang isang lead actor, hindi nito maikakaila na hindi kumpleto ang kanyang kaligayahan hangga’t nasa loob ng piitan ang kanyang ama, ang actor at dating kongresista na si Dennis Roldan.  Gayunpaman, nagpapasalamat din siya sa continued blessings na dumarating na sa kanya laluna ngayon na unti-unti na siyang nalilinya sa pagiging lead actor.

Si Marco ang leading man ni Anne Curtis sa “Just A Stranger” na mula sa panulat at direksiyon ni Jason Laxamana at nakatakdang ipalabas sa mga sinehan sa daratng na August 21.

Bukod sa upcoming movie ni Marco, regular din siyang napapanood sa afternoon hit TV series na “Los Bastardos”where he plays one of the lead roles. May iba pa siyang naka-line up na projects sa bakuran ng Viva.