Home>Entertainment>Showbiz>Marco ‘di umubra ang paramdam kay Julia

Marco ‘di umubra ang paramdam kay Julia

Julia Barretto and Marco Gumabao
Julia Barretto and Marco Gumabao

PAREHO nang nasa pangangalaga ng Viva Artists Management (VAA) ngayon sina Julia Barretto at Marco Gumabao. Matagal din silang magkasama sa Star Magic, ang talent management arm ng ABS-CBN.

Sina Marco at Julia ay magkakilala na since they were kids pero nagkaroon umano ng attraction si Marco kay Julia nung pareho na silang nasa bakuran ng Star Magic.

Nagparamdam siya rito pero naging malapit lang silang magkaibigan.

Naging guest ni Julia sa kanyang unang vlog si Marco at inamin niya ito.

Ngayong nasa bakuran na pareho ng Viva sina Julia ay hindi malayong pagtambalin ang dalawa sa pelikula o maging sa telebisyon. Sa Viva nagsimula ang estranged parents ni Julia na sina Dennis Padilla at Marjorie Barretto at kung saan nagsimula ang kanilang love affair.

Samantala, inamin ni Julia na masaya ang kanyang puso ngayon at marami ang humuhula na si Gerald Anderson ang dahilan. Mas discreet ngayon si Julia pagdating sa kanyang usaping puso.

‘Jeopardy’ host Alex Trebek pumanaw na

NAMAALAM na ang legendary Canadian-turned naturalized American game show host ng “Jeopardy” at iba pang game programs na si Alex Trebek sa edad na 80.

Si Alex ay binawian ng buhay nung umaga ng Linggo, November 8, 2020 sa kanyang tahanan sa Los Angeles California, USA kung saan siya napaligiran ng kanyang pamilya at malalapit na kaibigan. Ang kanyang pagkamatay ay may kinalaman sa kanyang stage IV pancreatic cancer which was diagnosed in 2019.

Nalagpasan ni Alex ang isang vehicular accident nung January 30, 2004 kung saan ang kanyang minamanehong truck ay niragasa ang ilang mailboxes post sa may Central Coast ng Templetown, California on his way home. Ang rason, siya’y nakatulog habang nagmamaneho dahil sa sobrang pagod at puyat. Nakaligtas din siya sa dalawang magkahiwalay na mild stroke in 2007 and 2012 at operation in 2017 para tanggalin ang blood clot sa kanyang brain.

Sa kabila ng kanyang pagsailalim ng chemotherapy at iba pang cancer treatments, nagpatuloy si Alex sa pagti-taping para sa kanyang popular game show na “Jeopardy” na kanyang sinimulan in 1984. Lately, before his death ay nagti-taping siya without an audience dahil na rin sa Covid 19 pandemic at sa kanyang edad at health condition.

As early at 2019 ay nagpahayag siya ng intention na mag-retiro pero muli siyang lumagda ng kontrata na magtatapos pa sana sa taong 2022.

Sa isang panayam ay sinabi ni Trebek na handa na umano siyang mamatay.

“I’m not afraid of dying. I’ve lived a good life, a full life and I’m nearing the end of that life. If it happens, why would I be afraid of that,” aniya.

It was in July 21, 2020 nang kanyang ilabas ang kanyang memoir – ang “The Answer Is….:Reflections of My Life”.

Ayon sa isang anchor ng CNN, “Trebek was the greatest game show host of his generation.”

Nagpaabot din ng kanyang pakikidalamhati ang Canadian Prime Minister na si Justine Trudeau sa pamamagitan ng kanyang Twitter account: “We have lost an icon. Almost every night for more than three decades, Alex Trebek entertained and educated millions around the world in so many of us in love for trivia”.

Si Alex ay anak ng isang chef from Ukraine at isang French-Canadian mother kaya growing up ay French and English ang natutunang lenguwahe ng TV icon. Siya’y ipinanganak sa Sudburry, Ontario, Canada. Nag-aral siya ng high school sa Sudbury High School at nagtapos ng Philosophy in 1961 sa University of Ottawa. Ang unang trabaho ni Alex ay bilang isang bellboy sa isang hotel kung saan dati namamasukan bilang chef ang kanyang ama.

Nasa college pa lamang si Alex ay gusto na niyang pasukin ang trabaho sa broadcast. Naging miyembro siya ng English Debating Society when he was still a student. Nag-aaral pa siya noon sa kolehiyo nang magsimula siyang magtrabaho sa Canada Broadcasting Corporation (CBC) sa radio and TV. Ang kanyang unang hosting hob ay isang Canadian music program na may pamagat na “Music Hop” in 1963. Taong 1966 naman when he hosted a high school quiz show na may titulong “Reach for the Top”. In 1969, he also hosted another game show, ang “Strategy”na sinundan ng “I’m Here Til 9,” isang morning drive radio show ng CBC Toronto.

Taong 1973 nang siya’y lumipat ng NBC, isang bagong game show na “The Wizard of Odds” na sinundan ng “High Rollers” in 1976 to 1978 then 1978 to 1980. He also hosted CBS’ game show, ang “Double Dare” at ang syndicated series na “The $128,000 Question”. Ang iba pang game shows which he hosted include “Battlestars,” “Classic Concentration” at “To Tell The Truth” pero ang kanyang pinakamatagal na programa until his death ay ang “Jeopardy”.

Trebek became a naturized American citizen in 1988. Una niyang pinakasalan ay ang broadcaster na si Ellaine Callei but got divorced in 1981. Hindi sila nagkaroon ng anak pero kanyang in-adopt ang daughter ni Ellaine (sa unang karelasyon) na si Nicky. In 1990, muling nag-asawa ang TV host kay Jean Currivan, isang real estate project manager at nagkaroon sila ng dalawang anak, sina Matthew at Emily.

Si Trebek ay dating may-ari ng isang 700-acre ranch sa Creston, California na nagbi-bred at nagti-train ng race horses pero ito’y kanyang binenta in 2008 na ginawang events place ng nakabili at tinawag itong Windfall Farms.

Hawak ng legendary TV host ang pitong Emmy awards bilang Outstanding Game Show Host for the years 1989, 1990, 2003, 2006, 2008, 2019 and 2020.

Nabigyan din siya ng magkahiwalay na Walk of Fame star sa Toronto, Canada at sa Hollywood Blvd., California, USA. In 1997, he was awarded honorary doctorate ng University of Ottawa in Canada. Ito’y bukod pa sa Gold Medal mula Royal Canadian Geographical Society dahil sa kanyang contribution sa geographic education at popular study of geography. Tumanggap din siya ng Lifetime Achievement Award sa Daytime Emmy Awards nung 2012 bukod pa sa Honorary Doctorate mula naman sa Fordham University in New York, USA.

Pumasok din si Trebek sa Guinness of World Record dahil siya ang nakakuha ng may pinakamaraming episodes ng isang game show on TV at nalagpasan pa niya ang isa pang legendary TV host na si Bob Barker.

Nung May 2016 ay iginawad sa kanya ang Key to the City ng City of Ottawa. Ang mga ito ay ilan lamang sa napakaraming pagkilala kay Trebek. Ipinangalan din sa kanya ang isang hall ng kanyang alma mater, ang University of Ottawa in Canada.

Ang “Jeopardy” game show ay tumagal sa ere ng 36 years.

Publication Source :    People's Journal
Aster Amoyo
Member: Professional Artists Managers Inc. (PAMI)