Maria Isabel muling ikinasal at 60

June 12, 2019
Maria Isabel Lopez
Maria Isabel Lopez

SIXTY-year-old former beauty queen (Bb. Pilipinas-Universe 1982)-turned actress Maria Isabel Lopez is now officially Mrs. Jonathan Melrod after she married retired Jewish-American human rights lawyer Atty. Jonathan Melrod in an intimate wedding ceremony last Sunday, June 9 sa Sebastopol Sonoma county in California, USA sa loob mismo ng 4-acre property ni Atty. Melrod, ang Ranchito Milagro.

Sina Isabel at Atty. Melrod ay nagkakilala sa online site na Match.com sa America sa tulong ng kapatid ng actress na si Estela na naka-base sa Sacramento, California.

Si Estela mismo ang nag-screen ng guys na nagpakita ng interest kay Isabel  at isa-isa umano nitong pinag-aralan ang respective profiles ng mga ito. At ang napili ni Estela ay si Jonathan.  From then on ay nagsimula nang mag-communicate sina Isabel at Jonathan sa pamamagitan ng Facebook and Skype.  Limang taon din silang nag-date and it was in 2017 habang sila’y nagbabakasyon sa Vietnam nang mag-propose sa kanya ang Jewish-American lawyer.

“We share the advocacy of supporting the indigenous people of the Philippines,” kuwento sa amin ni Maria Isabel.

“He produced the film 'Bai Bibyaon' with Liza Maza.  He is also an art enthusiast supporting my artist life in California by setting up my art studio,” patuloy ng aktres.

Ayon kay Maria Isabel, magkahalong Filipino at Jewish tradition ang naging wedding ceremony nila.  Nagkaroon umano sila ng traditional money dance na ang proceeds ay mapupunta sa mga Lumad.  Tumugtog ang Complicated Magic band, an all-Filipino band kung saan isa sa mga singer ang sister ng actress na si Estela.  

Ang Klezmer band naman ang tumugtog para sa Jewish dance kung saan ang bride at ang groom are being carried on a chair.  Ang ceremony ay nondenominational – which is the universal religion whether you are a Christian, Jewish, Buddhist, etc. pero naroon pa rin ang Filipino tradition ng cord and the usual pronouncement pero nagkaroon ng breaking of the glass na Jewish tradition naman.

Ang bridal gown ni Maria Isabel ay gawa ni Casandra Dy habang ang wedding cake ay gawa ng 1982 Bb. Pilipinas-runner-up na si Liza Gino.  Ang kanyang hair and make-up ay gawa ng dating actress (ng “Eh Kasi Babae”) na si Debbie Miller-Moss.

Ang dalawang anak ni Maria Isabel sa kanyang Japanese ex-husband na si Hiroshi Yokohama na sina Mara Lopez Yokohama at Ken Yokohama ang tumayong maid of honor and best man, respectively.  Ang ring bearer ay si James Oliver Birmingham habang sina Safina Lopez, Josephine Johnson, Sophia Ofelia Salonga at Sloan Olivia Pearl Salonga ang tumayong mga flower girls.  Groomsmen naman sina Eli at Noah Melrod.

Kahit sa California, USA na ngayon naka-base si Maria Isabel with her brand new husband, bukas pa rin umano siyang gumawa ng projects sa Pilipinas and very supportive naman sa kanyang career ang kanyang mister.

Samantala,  sa dalawang anak ni Maria Isabel, si Mara ang sumunod sa kanyang yapak bilang actress habang si Ken ay civil engineering student sa De la Salle University.